QCPDPS9

Preso pumuga sa QC

December 1, 2022 Melnie Ragasa-limena 103 views

TINUTUGIS ngayon ng pulisya ang preso na nakatakas habang inililipat ng Anonas Police Station (PS 9) ng Quezon City Police District (QCPD), sa Central Custodial Facility (CCF) ng Camp Karingal, sa Quezon City, Miyerkules ng gabi.

Ang nakatakas na preso ay may kasong robbery, na may piyansang P18,000, at nakatira sa San Mateo Rizal.

Sa report ng PS 9, bandang 6:58 ng gabi (Nobyembre 30), nang makatakas ang preso sa CCF sa loob ng Camp Karingal.

Batay sa imbestigasyon, inililipat ng mga tauhan ng PS 9 ang kanilang mga naaresto sa CCF, subalit nang tawagin na ang mga pangalan ng mga preso ay nawawala na ito.

Nang rebyuhin ng mga awtoridad ang CCTV (closed-circuit televison) camera footage ay nakitang nakatakas ang preso sa pamamagitan ng pagsuot sa maliit na butas ng hollow blocks sa bakuran ng kampo.

Patuloy pang tinutugis ng mga awtoridad ang nakatakas na robbery suspect.