Default Thumbnail

Preso ng Makati City Jail, sapol ulit ng ‘arrest warrant’

February 14, 2022 Jonjon Reyes 374 views

NATUNTON ng mga tauhan ng Manila Police District Barbosa Police Station 14 ang isang wanted sa kasong robbery-in-band para ihain ang arrest warrant sa loob ng Makati City Jail, Lunes ng umaga.

Nakilala ang suspek na si Alexis Reyes, 44, binata, mensahero, at residente ng Bgy. Kabulusan, Magallanes, Cavite.

Ayon kay P/Lt. Col. Ramon Nazario, dahil sa pinaiiral na “Oplan Pagtugis” o Manhunt Charlie sa pangunguna ni P/EMS Vicente Mabborang ng Warrant Section, bitbit nila ang arrest warrant na inisyu ni Judge Efren Bascao Tienzo ng Regional Trial Court Br. 13 ng Malolos City, Bulacan sa Makati City Jail.

Walang inirekomendang piyansa ang korte sa pansamantalang paglaya ni Reyes. Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE