Juliever

Premiere night ng unang JulieVer movie, dinumog ng fans

July 25, 2023 Vinia Vivar 169 views

Dinumog ng fans ang red-carpet premiere night ng The Cheating Game, na pinagbibidahan ng reel and real-life couple na sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose nitong Lunes sa SM The Block Cinema.

Of course, dinaluhan ito ng buong cast sa pangunguna ng JulieVer na sweet na sweet sa buong event.

Naroroon din sina Martin del Rosario, Winwyn Marquez, Candy Pangilinan, Yayo Aguila, Thea Tolentino, ang direktor na si Rod Marmol at marami pang iba.

Mas lalo pa itong naging star-studded sa pagdalo ng iba pang Kapuso stars para suportahan ang movie sa pangunguna ni Ruru Madrid.

Naroroon din si Rodjun Cruz, kapatid ni Rayver, at iba pang relatives nila.

Masayang-masaya sina Julie Anne at Rayver dahil finally ay ipalalabas na nga ang kanilang pinaghirapang pelikula.

Anila, parang kailan lang ay nasa Samar pa sila at nagsu-shoot.

“We started shooting it before the pandemic, we shot some scenes in the province, then tinuloy lang namin this year. Ang surreal pa rin kasi napakabilis talaga ng panahon,” sabi ni Julie Anne.

Sey naman ni Rayver, “Halo-halo ‘yung emosyon na nararamdaman ko pero mas lamang ‘yung excitement kasi makikita na ng tao ‘yung pelikulang ginawa namin at talagang pinaganda namin ito nang husto. Very proud ako sa movie na ito, especially first project namin ito ni Julie together sa isang movie. Sa wakas, makikita na namin sa big screen.”

Ang The Cheating Game ang unang pelikula na iprinodyus ng GMA Public Affairs. Tinatalakay nito ang buhay matapos ang cheating sa isang relasyon.

Very millennial ang approach ni Direk Rod sa pelikula pero naroroon pa rin ang hugot lines na for sure ay kagigiliwan ng manonood.

Showing na sa mga sinehan ang The Cheating Game ngayong Miyerkules, July 26.

AUTHOR PROFILE