Default Thumbnail

Prayer rally sa Palacio del Gobernador payapa

June 30, 2023 Jonjon Reyes 210 views

NATAPOS nang mapayapa ang prayer rally kahapon ng umaga na pinangunahan ni Fr. Robert Reyes sa harap ng Palacio Del Gobernador sa General Luna St., Intramuros, Manila.

Ayon sa ulat na isinumite ni Police Captain Anthony Abundo, hepe ng Intramuros PCP at Police Lieutenant Colonel Gilbert Cruz, commander ng Manila Police District-Ermita Police Station 5, nagsimula ang prayer rally 8:55 ng umaga.

Nagsimula ang rally nang magtipun-tipon ang nasa 30 kataong tagasunod ni Reyes sa Plaza Roma sa tapat ng Palacio Del Gobernador.

Sumigaw ang mga raliyista ng “kami ang mga tunay na bayani” sa prayer rally.

Gayunman, agad na dumating ang mga tauhan ni Police Colonel Julius Añonuevo na bitbit ang mga kalasag na mga miyembro ng District Mobile Force Batallon.

AUTHOR PROFILE