Default Thumbnail

Potensiyal sa kaunlaran ang Quezon province

June 9, 2023 Allan L. Encarnacion 357 views

Allan EncarnacionHUWAG masyadong lumundag sa saya sa balitang hindi na kailangan ng visa sa pagpasok sa Canada.

Ang sinasabi lang na puwede sa visa-free entry ay iyong mga naisyuhan na ng Canadian visa for the last 10 years at iyong may valid US visa.

Ibig sabihin, hindi lahat puwede, lalo na iyong mga first timer pa lang na aplikante para sa visa nila. Pero don’t panic, madali lang naman mag-apply ng visa sa Canada, mas mahirap pang kumuha ng US visa.

Mga usual documents lang naman ang kailangan, ang importante lang ay capacity to pay for your travel, may tutuluyan kang hotel or kamag-anak doon, may stable kang financial statement at may maayos kang trabaho dito sa atin, school records kung estudyante at mga property na kailangan mong balikan. Wala naman itong interview tulad sa US visa application, documents submission lang. At make sure na hindi fake ang mga dokumento na isusumite mo.

Ang maganda lang naman sa Canada, bukas sila sa migration. Kailan lang ay nagpalabas sila ng pahayag na tatanggap ng isang milyong immigrants. Gustung-gusto nila ang professional at mga nagbabalak magsimula ng bagong buhay sa Canada dahil nga sa lamig ng kanilang lugar pero kulang sa mamamayan.

Maganda ang Canada, lalo na sa mga taong naghahanap ng bagong pag-asa sa kanilang buhay. Buong taon nga lang malamig at kapag winter, masyadong snowy maliban sa Vancouver.

Iyong ibang kakilala natin, buong pamilya nila ang tinanggap sa Canada at mayroon na silang maayos na buhay doon.

Wala pa sa bokabularyo ko ang manirahan at magtrabaho sa ibang bansa. Kaya noong huli akong tanungin ng US consul kung may balak akong magtrabaho sa Amerika, ang lakas ng sagot ko na wala dahil maayos naman ang buhay ko rito. Natawa ang consul sa sagot ko, hayun, binigyan ako ng 10 years visa at ang aking buong pamilya.

Walang argumento, maganda sa Amerika at Canada, maraming masarap na pagkain at parang paraiso sa ganda ang kanilang lugar.

Talagang land of milk and honey para sa mga taong doon na gustong manirahan at magtrabaho.

***

Congratulations kay Quezon Governor Doc Helen Tan at sa buong pamunuan ng lalawigan sa kanilang natanggap na unmodified opinion mula sa Commission on Audit.

Ibig sabihin lang ng COA unmodified opinion ay masinop ang paggamit ng lalawigan sa kanilang mga pondo at napapangalagaan ang mga resources and income ng probinsiya.

Sa ganitong mga development, nakikita na natin ang potensiyal ng Quezon na makakahulagpos na sa mataas na poverty incidence. Sa mahabang panahon, palaging nasa listahan ang lalawigan bilang lugar na sangkatutak ang mahihirap.

Mayaman ang Quezon province mula sa kanyang mga natural resources, mga negosyo at mula sa mga masisipag na mamamayan. Talagang opurtunidad lang ang kailangan ng marami sa kanila at isang lider na sasagwan sa kanilang kaunlaran.

Kaya nga importanteng nagkakaroon tayo ng mga lider na katulad ni Governor Tan na masyadong malawak ang pananaw at may ambisyong paunlarin ang kanilang lalawigan.

Kahit noong congresswoman pa si Gov Helen, nakikita na natin ang kanyang potensiyal. Kung mabibigyan ito ng pagkakataon na maging national lider sa hinaharap, sobrang laki pa ng ating pag-asa ng ating bansa. Bihira ka makakakita ng ganitong klase ng local executive na ramdam ng publiko ang purity of intention para sa kanyang lugar.

Hindi ba katulad ng ibang local leader na nakita natin na parang sanggano na hinaharas ang mga negosyante bago makapagtayo ng negosyo at itinatratong famiy corporation ang city hall at provincial capitol.

Kapag inaral nyo ang patuloy na kahirapan sa marami nating lugar, madidiskubre nyong mga lider din ang dahilan dahil ang layunin talaga sa pag-upo ay magpayaman at pahirapan ang kanilang mamamayan.

Muli, congratulations kay Gov Helen, sa kanilang mga bokal, department heads hanggang sa mga barangay.

[email protected]