BBM Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr

Positibong pangangampanya resbak ng BBM supporters

November 10, 2021 People's Tonight 379 views

SA halip na isulong ang maruming pulitika, ilang grupo ng mga tagasuporta ni Presidential Aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang naglunsad ng “positive campaign” program para suportahan ang pagtakbo ni Marcos bilang pangulo sa 2022 national elections

Nauna nang inilunsad at isinulong ni Marcos ang “Pagkakaisa at hindi Pagkansela” sa kanyang ika-184 na BBM Vlog kaya pinupuri niya at isinusulong ang iba’t-ibang “positive campaigning” ng kanyang mga tagasuporta.

Si Marcos na standard-bearer ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ay naninindigang palaganapin ang positive campaigning at siniguro ang publiko na iiwas sa pakikipagbatuhan ng putik sa mga katunggali sa pulitika.

“Ikinatutuwa ko naman at hinahangaan ko ‘yung mga supporters natin dahil may ilang grupo na naglunsad ng napaka-positibong pangangampanya,” ayon kay Marcos.

“Mayroong nag-beach clean-up sa Boracay, nag-tree planting, may mga nag-community pantry, may nagpapakain, may gumagawa na tinatawag nilang BBM discounts, kabaliktaran ng boycott,” dagdag ni Marcos.

Si Marcos na hinahangaan dahil sa kanyang pagiging “unifying leader” ay umapela din sa mga tagasuporta ng kanyang mga katunggali na ipatupad ang positive campaigning at iwasan ang “gutter politics” o “cancel culture” at “hate politics.”

“Yun lang ‘yung hindi ko matanggap ay nadadamay pa ‘yung maliliit na negosyo at negosyante, ang tinutukoy ko ay ‘yung tinatawag na ‘cancel culture,’ nakarating sa akin ang mga balitang may bino-boycott daw na kanilang restaurant, kanilang negosyo, mga barberya, kanilang hanapbuhay dahil lamang may sinusuportahang pulitiko o dahil sila ay aking supporter. Nakakalungkot naman na ito ay nangyayari sa panahon ng pandemya,” ani Marcos.

Nangako rin si Marcos na pakikiusapan at hihikayatin niya ang iba pa niyang mga supporters na isulong ang positive campaigning.

“Saludo ako sa mga ideyang ito, dahil bukod sa makabago ay may malasakit sa kapwa at kapaligiran. Maraming salamat sa ating mga tagasuporta at ipagpatuloy niyo lang ang pagpapakalat ng maganda nating mensahe, sa halip na mag-kansela tayo ay magkaisa,” Marcos added.

AUTHOR PROFILE