Posisyon ng PH sa tourism pinatatag ng Health, Wellness Congress ng DOT
PINATATAG ng Department of Tourism (DOT) ang posisyon ng Pilipinas sa paglulunsad ng International Health and Wellness Tourism Congress (IHWTC) noong Lunes sa Grand Hyatt Manila sa Bonifacio Global City, Taguig City.
Pinangunahan ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco at First Lady Louise Araneta-Marcos, kasama ang Agora Group CEO Hadi Malaeb, at Taguig City Mayor Laarni Lopez Cayetano ang ribbon cutting para opisyal na buksan ang Congress.
Sa temang Aruga: A Filipino-Inspired Gathering for Global Health and Wellness, itinatampok ng IHWTC ang natatanging diskarte ng Filipino sa wellness sa pamamagitan ng five senses.
Pinagsasama-sama ng kaganapan ang mga delegado mula sa 38 bansa upang tuklasin ang potensyal ng medikal at wellness na turismo sa Pilipinas.
Ang ikalawang edisyon ng IHWTC magbubukas hanggang Oktubre 15 na nag-aalok sa mga dadalo ng komprehensibong pagtingin sa umuusbong na industriya ng turismo.