Default Thumbnail

Posibleng wreckage ng nawawalang Cessna plane namataan sa Isabela

January 29, 2023 Zaida I. Delos Reyes 356 views

NAMATAAN ng mga residente ang isang bagay na posibleng parte ng nawawalang Cessna plane malapit sa Barangay Sapinit, Davilacan, Isabela.

Ito ang inihayag ni Isabela Provincial Information Office administrative officer Joshua Hapinat nitong Linggo.

Ayon kay Hapinat, nagtungo ang mga rescue team sa lugar upang i-verify ang impormasyon.

Aniya, natanggap niya ang impormasyon dakong 6:45 ng umaga nitong Linggo kung saan sinasabi ng mga tao na may nakita silang bagay sa may 25- kilometro malapit sa Ilaga -Davilican road malapit sa bundok sa Sapinit.

Hindi aniya detalyado ang impormasyon pero posible umanong wreckage ito ng nawawalang eroplano.

Matatandaang nitong Biyernes ay sinabi ng Provincial Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na may nakita silang puting bagay sa Barangwy Dicaruya , Davilican Isa ela habang nagsasagawa mg search and rescue operation.

Samantala, sinabi naman ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na humingi nansila ng tulong mula sa Hong Kong Mission Control Center (HKMCC) at Japan Mission Control Center ( JAMCC) para sa paghahanap ng nawawalang eroplano na may anim na pasahero.

Ayon kay CAAP spokesperson Eric Apolonio, nakipag-ugnayan ma sila sa kanilang counterparts sa Japan at Hongkong upang i-review ang oa ilang system para sa posibleng nasagap ng distress alert mula sa RPC 1174 subalit kapwa wala umano silang nakita base sa kanilang emergency locator transmitters.