Trapik

Port Area trapik di naparalisa ng truck caravan

July 21, 2023 Jonjon Reyes 194 views
Trapik1
WA EPEK–Makikita sa larawan ang mga truck na nagsagawa ng caravan sa Anda Circle kahapon. Bigong maparalisa ng may 100 trak ang trapiko sa Port Area, Manila. Kuha ni Jon Jon Reyes

NABIGO ang 40 dambuhalang trak na nagtipun-tipon para paralisahin ang daloy ng trapiko sa Port Area, Manila dahil sa mabilis na pagresponde ng pulis.

Pinangunahan nina Pen Quibaen at Kathleen Penuela, umabot sa 100 trak ang pumarada sa round table ng Anda Circle Port Area Manila para hindi makapasok at makalabas ang anumang sasakyan sa Port Area.

Nagkaroon ng dayalogo ang mga pulis sa mga asosasyon na sumali sa truck caravan.

Dakong 7:30 ng umaga nagsimula ang dayalogo ng mga pulis at at ang lider ng ACTOO.

Umabante ang mga truck patungong Road 10 sa Pacheco St. sa Tondo ng dakong 9:17 ng umaga at mapayapang umalis ang mga ito at walang masyadong naapektuhan na ibang lugar.

AUTHOR PROFILE