Pops

Pops, nalungkot sa hiwalayang Robin-Zia

August 11, 2022 Ian F. Fariñas 132 views

HINDI dinenay ng Concert Queen na si Pops Fernandez na ikinalungkot niya ang paghihiwalay ng panganay niyang si Robin Nievera at ng anak ni Zsa Zsa Padilla na si Zia.

As we all know, ikinasal na si Zia kamakailan at naninirahan na ito abroad kasama ang kanyang mister.

Sa media conference ng upcoming concert niyang Four Kings and a Queen kahapon, naging maingat si Pops sa pagsagot sa isyu lalo pa nga’t wala raw sina Robin at Zia roon.

Aniya, “Well, ah, naku, pinag-uusapan natin ang mga wala rito. But, well, as a mother, mabait si Zia. ’Yan ang masasabi ko. Na-sad ako nu’ng nalaman ko nga na medyo hindi na sila. But of course, they both have their own reasons and I know na magkaibigan pa rin sila.

“I mean, they have remained friends. So I’m happy for her (Zia). I’m very, very happy for her. And I think Robin is still very much in touch with her. They’ve remained friends, so ’yun naman ’yung maganda. Kung anuman ang naging resulta, naging magkaibigan pa rin sila. Matalik na magkaibigan, wala silang problem.”

Kasama ni Pops sa Four Kings and a Queen presscon ang OPM icons na sina Nonoy Zuñiga, Marco Sison, Rey Valera at Hajji Alejandro.

Ang nasabing performance ay unang napanood sa iba’t ibang bahagi ng Amerika, kung saan halos dalawang buwan silang magkakasama.

Dahil kabubukas lang ng live concert scene matapos ang lockdown dahil sa Covid-19 pandemic, natural na marami silang na-encounter na aberya habang nagtu-tour sa Amerika.

Nariyang naiwan ang mga maleta ng ilan sa kanila sa airport at ma-postpone nang isang linggo ang Las Vegas leg dahil na-Covid sina Hajji, Nonoy at ilan pang miyembro ng production.

Ganunpaman, masasabi pa ring tagumpay ang Four Kings and a Queen US tour at ngayon nga’y ready na silang sumalang muli sa Newport World Resorts (dating Resorts World) para sa dalawang gabi ng pagtatanghal.

Hatid ng DSL Entertainment at Dreamwings Production mapapanood ang apat na OPM royalties sa Newport Performing Arts Theatre sa August 26 at 27, 8 p.m.

‘SINGING CAPTAIN’

SPEAKING of OPM, isa nang full-fledged OPM recording artist ang dating seafarer na si Captain Peter “Pitz” Beriña, otherwise known as the “Singing Captain.”

Ipinarinig niya sa press kamakailan ang debut single niyang Kita ay Mahal na nilikha ng batikang composer na si Vehnee Saturno.

Bukod sa Kita ay Mahal, may anim pang original songs na ni-record si Pitz para sa kanyang album at pitong covers na pawang mga OPM song.

Isa sa mga ni-remake niya ang Muli na original hit ni Rodel Naval.

Gusto ni Pitz na magsilbing inspirasyon hindi lamang sa kapwa seafarers kundi sa ordinaryong mamamayan na kayang maabot ang mga pangarap kahit pa anong edad, kulay o estado sa buhay. Busy nga si Pitz ngayon sa pagpo-promote ng kanyang mga kanta at balak din niyang magtayo ng sariling media production and talent agency para mas makatulong sa iba pang Pinoy na may natatagong talento sa pagkanta, pagsayaw at pag-arte.

Ngayong natupad na niya ang pangarap na maging recording artist, bet naman ni Pitz na makilala ang kanyang mga awitin bilang theme song ng iba’t ibang teleserye sa bansa.

AUTHOR PROFILE