Scarlet Larawan mula sa IG/Scarlet Smith

Pool-utan

February 11, 2025 People's Tonight 176 views

PINULUTAN ng mga titig habang nasa swimming pool ang isa sa mga pinaka bagong Vivamax babes ngayon na si Scarlet Smith.

Hindi man siya sisig pero sizzling ang inihaing body ng sexy star sa isang Instagram post.

“Living that pool life,” saad niya sa caption.

Talagang bababad ang tingin sa kanya ng mga kelot sa suot na two-piece swimwear. Sa gilid mismo ng pool nagbuyangyang ng kanyang magandang katawan si Scarlet. Malalasap ng mga barako ang tagos sa screen niyang hotness.

Masisipat din sa larawan ang pa-cleavage ng sexy star. Tila nais mag-hello ng kanyang malulusog na “alaga.”

Kapansin-pansin din ang beauty ni scarlet. Pakak kung pakak ang mala-dyosa niyang ganda sa post, kaya nga ganoon na lang kung mahumaling ang dumadami pa niyang tagahanga.

Siguradong aabangan ang kaya niyang ibuga pagdating sa pagiging Vivamax star dahil ang netizens may bilib na agad sa kanyang alindog at karisma pagdating sa social media.

“Kailan kaya ‘to mapapanood sa Vivamax?” hirit pa ng isang IG user.

AUTHOR PROFILE