Rodriguez

Political Cha-cha ibinasura ng Kamara

August 7, 2024 People's Tonight 128 views

IBINASURA ni House constitutional amendments committee chairman Rufus Rodriguez ng Cagayan de Oro ang resolusyon na naglalayong amyendahan ang political provisions ng Konstitiusyon para humaba ang termino ng mga kongresista.

Ayon kay Rodriguez, ang Kamara de Representantes, sa ilalim ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, ay nagsusulong na ang maamyendahan ay ang economic provisions lamang.

Ang pahayag ni Rodriguez ay reaksyon sa Resolution of Both Houses No. 8, na inihain ni Ilocos Norte Rep. Angelo Barba na naglalayong gawing limang taon ang termino ng mga kongresista mula sa tatlo.

Sa ilalim ng panukala ay gagawin na lamang dalawang magkasunod ang termino ng kongresista o kabuuang 10 taon mula sa kasalukuyang tatlong termino o kabuuang siyam na taon.

“I think the House leadership will not favor this proposal. The Speaker has repeatedly declared that the push for Charter reform at this time is confined to amending the Constitution’s restrictive economic provisions,” ani Rodriguez.

Ipinaalala ni Rodriguez na maging si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay nagsabi na ang nais lamang nitong maamyendahan ay ang economic provisions ng Saligang Batas.

Ayon kay Rodriguez, ito ang sinabi ng Pangulo sa pagdiriwang ng Constitution Day noong Pebrero: “I want to make it clear: This Administration’s position in introducing reforms to our Constitution extends to economic matters alone, or those strategically aimed at boosting our country’s economy. Nothing more.”

Sinabi ni Rodriguez na natapos na ng Kamara ang resolusyon at nasa Senado na ito.

“So the ball on the proposed changes in the Constitution’s economic provisions is now in the Senate’s court,” dagdag pa ni Rodriguez.

AUTHOR PROFILE