SONA PUSPUSAN–Matindi ang pag eensayo ng mga kapulisan ng MPD habang nasa likuran nila ang mga drone units kaugnay ng State of the Nation (SONA) address ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa Hulyo 24. Nagbigay pugay naman si MPD Chief PBGen. Andre P. Dizon (kanan) kay Pangulong Marcos matapos na dumalo ito kamakailan sa isang pagpupulong sa Roxas Boulevard.

Police visibility paiigtingin sa SONA ni PBBM

July 6, 2023 Jonjon Reyes 524 views

BBMPATULOY na paiigtingin ang police visibility bago pa man at hangang matapos ang nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Bong Bong R. Marcos Jr. sa Hulyo 24 ayon kay Manila Police District Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon.

Puspusan na ang paghahanda ng MPD para sa ikalawang SONA ni PBBM.

Nakatutok na ang buong pwersa ng Pulis Maynila habang papalapit na ang SONA sa ika-24 ng Hulyo.

Kabilang sa mga bibigyan ng seguridad ang mga lugar na madalas pagdausan ng rally sa Maynila tulad ng Mendiola na nasasakupan ng MPD Police Station (PS) 4. sa Sampaloc, PS.8 sa Sta Mesa at PS 14 sa Barbosa.

Titiyakin din na safe ang US Embassy sa Roxas Blvrd at Supreme Court sa Padre Faura na area naman ng MPD Ermita PS 5 at Malate PS 9 at ang Plaza Miranda na sakop din ng PS 3 at PS 11

Ayon sa ulat ni Police Major Philipp Ines, ng Public Information Office( PIO) ng MPD, na magpapakalat ang MPD at NCRPO ng halos 23,000 pulis para i-secure ang SONA na gaganapin sa Batasang Pambansa complex sa Quezon City..

Magpapakalat ang MPD ng isang mobile command center at 20 drone units ang gagamitin upang masubaybayan ang magigigng situation sa kalupaan sa araw ng Sona.

Ang pagtatalaga ng NCRPO at MPD ng inyong kapulisan para sa SONA 2023 ay naglalayong tiyakin ang kaligtasan at kapanatagan ng lahat ng nais makilahok sa araw na ito,” ayon naman kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr.

Ang mas pagpapa-igting ng “police visibility” ay paiiralin ni General Dizon alinsunod sa gaganaping SONA 2023 at upang masiguro na mas magiging protektibo, maayos at payapa ang buong Kamaynilaan.

AUTHOR PROFILE