Police clearance satellite office sa GenTri bukas na
GENERAL TRIAS CITY, Cavite–Bukas na ang national police clearance satellite office sa Robinson’s Place sa Gen Trias, Cavite noong Agosto 6 sa Lingkod Pinoy Center sa Brgy. Tejero.
Pinangunahan nina Mayor Luis ‘Jon Jon’ Ferrer IV, Vice Mayor Jonas Labuguen at Lt. Colonel Jesson Bombasi, deputy director for administration ng Gen Trias police ang pagbubukas ng computerized National Police Clearance satellite office.
“Salamat po sa Robinson’s Mall for this para sa mas accessible and convenient way to get police clearance instead of sa main office of GenTri Police sa Bagumbayan, na walang parking, mainit, dito po malamig at maraming parking,” sabi ni Mayor Ferrer.
“Magandang programa po ito ng kapulisan.
Naniniwala kami na kapag maganda ang peace and order sa isang lugar, ang development maganda, kaya priority po natin dito sa General Trias ang Peace and Order kasama ang mga Barangay Captains hindi lang check point, bumababa sila sa bawat 33 barangay,” sabi ni Ferrer.
Nagbigay din ng tatlong sets ng desktop computers na may printers na gagamitin sa police clearance.
Binanggit din ni Mayor Ferrer na nakatakdang magbigay ang LGU ng 6 na brand new police mobile cars at isang SWAT vehicle sa susunod na linggo para sa pagpapatrulya.