Pokwang

Pokwang, opisyal nang Kapuso

June 18, 2021 People's Tonight 500 views

OPISYAL nang Kapuso artist ang komedyanang si Pokwang.

Pumirma na si Pokie ng kontrata kahapon sa GMA at isang welcome post ang inilabas ng GMA Artist Center ni GMA Kapuso Girl sa kanilang Twitter account.

“We’re so glad to welcome our newest Kapuso, Pokwang,” sad sa post ng Artist Center at Kapuso Girl.

Kahapon ang virtual mediacon ni Pokie sa press.

Inilabas na rin ang teaser ng guesting niya sa The Boobay and Tekla Show bukas, Linggo.

Sheryl, nirerespeto ang mga ayaw magpabakuna

RESPETADO ni Sheryl Cruz ang mga taong atubili sa pagbabakuna laban sa COVID-19.

Kumpleto na ng vaccine shot si Sheryl ng Pfizer sa Quezon City.

“Respeto sa kanila kung ano ang kanilang paniniwala. Pero ako I come from a family of doctors. ‘Yung lolo ko na namatay na, ‘yung pinsan kong doctor at iba pa.

“Sabi nila, kahit ano pa ang name ng vaccine, kahit ano pa, it is something that we must have to protect ourselves especially sa panahon ngayon,” rason ni Sheryl nang makausap ng ilang press sa virtual mediacon ng Artist Circle ng manager niyang si Rams David.

Anyway, ngayong gabi sa Magpakailanman, gaganap si Sheryl bilang aswang.

Ang episode ay dinirek ni Frasco Mortiz, anak ng singer-director na si Bobot Mortiz. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE