Pokwang

Pokwang nag-walk-out, Luis nag-sorry

July 12, 2023 Vinia Vivar 391 views

Nag-sorry si Luis Manzano kay Pokwang dahil sa aniya’y kasalanang nagawa niya sa komedyana.

Naging guest ni Luis si Pokwang sa kanyang vlog at sa isang bahagi nito ay nag-walk-out ang komedyana although pabiro lang naman ito.

Hiningan kasi ng message ni Luis si Pokwang para kay “Lee” sabay-pakita ng picture na nasa cellphone ng komedyana.

Biglang sabi ni Pokwang, “Wala sa usapan ‘yan,” at pagkatapos ay nag-walk out nang pabiro. Hinabol naman siya ni Luis.

Maya-maya napag-alaman na ang Korean actor na si Lee Min Ho pala ang tinutukoy ni Luis at hindi ang dating karelasyon ni Pokwang na si Lee O’Brian.

Anyway, sa Instagram ni Luis ay humingi siya ng sincere apology kay Pokwang.

“Mama @itspokwang27 … unang una, sorry sa nagawa namin mama Poks, sumobra nga kami pero di ka pa rin nagdamot tungkol kay Lee, at nagbigay pa rin ng message.

Thank you pinayagan mo pa rin kami ipalabas ang vlog, sorry ulit!” sey ni Luis.

Nag-post din naman sa kanyang IG si Pokwang ng mensahe para kay Luis.

“Ngayon lang tayo ulit nagkita @luckymanzano napa-walk-out mo na ako, kaloka ka!” sabi ni Pokwang.

AUTHOR PROFILE