Pokwang mag-lalabandera para matapos pinapatayong bahay
IBINIDA ng actress-comedienne na si Pokwang ang ilang larawan ng kanyang ipinapatayong bahay na malapit nang matapos sa kanyang Instagram page nitong Sabado, Oktubre 14.
May pabirong hirit naman ang “TiktoClock” host na tatanggap siya ng mga labada ngayong Christmas season para matapos na ang ipinapagawang bahay.
“Konti nalang po talaga. Konting labada nalang woohooo tumatanggap po ako lalo na magpapasko hahahahhaa thank you papa God,” sey ni Pokwang.
May mga naipatayo na ring property noon ang komedyante sa Antipolo, Rizal at sa Morong, Bataan kung saan ay naibenta at ibinebenta na niya. Ang dahilan ay ayaw umano niya ng bakas at mantsa ng dating asawa na si Lee O’Brian.
“Sold na po last year pa (ang Antipolo property) hahaaaaahaha. That’s why im selling my beach house sa Bataan kasi ayoko ng may mantsa nya at bakas hahaaha,” reply ni Pokwang sa isang netizen na nagtanong kung naibenta na ang bahay na pinagtirhan nila ng ex-partner niya.
“Kapag inaapi ako at pinapaiyak ganyan ang nangyayare dumadami property ko hahahahahaa kaya sige lang go lang sila ng gow…” pahayag naman niya patungkol sa ipinapatayong bahay ngayon.
“Ganyan ako magalit,” dagdag pa niya.