Pokwang

POKWANG: HATERS ARE INGGITERS!

May 1, 2023 People's Tonight 233 views

PATULOY pa rin ang patutsada ng komedyanteng si Pokwang sa kanyang ex-partner at American actor na si Lee O’Brian.

Sa kaniyang latest Instagram Post, umani ng samu’t saring papuri ang kaniyang ginawang mala-pageant post habang ito ay nasa taping ng GMA 7 sa programang “TiktoClock.”

“Strike a post,” ang maiksing caption nito sa kaniyang IG Post nitong nakaraang Huwebes, April 27 na kuha sa labas ng GMA Studios.

May isang netizen ang nag-iwan at ipinakita nito ang pagkamangha sa komedyante dahil sa angking katapangan nito.

“Nice Ms. Pokee!! Yan ba Ang iyong signature ‘Pokee walk’ Pak! Pak! Pak!,” komento ng netizen sa kaniyang IG post.

“I admire you po for your strength as a single mom. I’m not a single mom, Pero saludo po ako sa katapangan mo. God bless you po,” dagdag pa nito sa kaniyang komento.

Walang pag-aalinlangan namang sinagot ni Pokwang ang mga bashers matapos mabasa ang comment ng isa pang netizen na nagsabi ng, “Ganda, mamang! Sige! Laban sa haters!”

“Because haters are mga inggeters!,” sagot ni Pokwang.

Noong nakaraang buwan lamang, sinabi ng komedyante na inaayos na nito ang mga legal na dokumento para matanggal na ang apelyido ni Malia na “O’Brian” at isunod na ito sa kanyang huling pangalan na “Subong.”

Hindi na bago ang pagiging matapang sa pagsagot ni Pokwang sa kanyang mga bashers simula nang maghiwalay sila ni Lee na dati nitong live-in partner at tatay ng kaniyang anak na si Malia. Inilantad pa nito na may ibang babae na ngayon ang American actor. Ni PAUL BACON (OJT)

AUTHOR PROFILE