Pokwang Larawan: Pokwang/IG

Pokwang di pa tapos ang laban kay Lee O’Brian

February 26, 2024 People's Tonight 115 views

HINDI pa tapos ang laban ng aktres na si Pokwang sa ex-husband nitong si Lee O’Brian. Ito’y matapos muling magparinig ang aktres kay Lee.

“Meron akong date wag magulo hahaha. Pero hanapbuhay ito hindi ito maka-landi lang. DI ako gaya ng isa dyan puro landi walang support sa anak,” caption ni Pokwang sa kanyang Instagram post, Pebrero 24.

Sasampulan din ni Pokwang si Lee, dahil kahit sa ibang bansa ay mukhang magpa-file pa ito ng demand for child support.

“I just wonder have you asked if you can demand for child support in U.S. embassy kasi dito sa America you can file those legally,” komento ng isang user.

“Mag re-renew ng passport si Malia this month, so I’ll ask US Embassy regarding child support, diba Lee O’Brian?” agad naman na reply ng aktres.

Ilang netizens naman ang nagkumpirma na sa America umano ay pwedeng mag-demand ang aktres ng support para kay Malia.

“Hello Miss Pokwang, here in the US, any parent can file a child support in the county against the absent parent without needing a lawyer. I have been there done that. Yes, check with US embassy for the requirements,” pagkuwento naman ng isang nanay.

AUTHOR PROFILE