Jinggoy

POGO operators dapat tugisin na ASAP — Jinggoy

June 13, 2024 PS Jun M. Sarmiento 234 views

IMINUNGKAHI ni Senate President Pro Tempore Jose “Jinggoy” Estrada na umpisahan na sa lalong madaling panahon ang pagtugis sa mga operators ng mga Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).

Ayon kay Estrada, napapanahon na para aksyunan ng mga tamang ahensiya ng gobyerno ang mga POGO gayundin ng lokal na pamahalaan dahil hindi biro ang mga inilahad ni Defense Sec. Gilbert Teodoro kamakailan lamang.

Hindi makita ni Estrada kung bakit magpapatumpik-tumpik pa ang mga sangay ng gobyerno lalo’t lumolobo ang dalang mga krimen ng POGO sa ating bansa.

Hinamon ni Estrada ang PAGCOR (Phil Amusement and Gaming Corporation) na gawin kung ano ang dapat nitong gawin dahil sila ang nagbibigay sa mga ito ng permit to operate.

“Kung may sapat na impormasyon na ang PAGCOR tungkol dito, huwag na sana silang magpatumpik-tumpik pa sa pagpapasara ng mga ilegal o unlicensed na POGOs,” ani Estrada.
a mga base militar.

Inilahad ni Sec. Teodoro na ang POGO nakapagpapahina sa pinansyal na katayuan natin at nasisira din ang imahe ng bansa dulot ng mga kriminalidad na dala nito.

Para kay Sen. Estrada ang mga inilahad ni Sec. Gibo makatotohanan at supisyenteng dahilan para maituring na malaking banta ang POGO sa ating bayan.

“Aside from security concerns raised on POGO operations near our military bases, reports on some 250 others operating without licenses should prompt our concerned authorities to conduct a crackdown on these illegal entities.

Sa pakikipagtulungan sa Bureau of Immigration ng PAGCOR, dapat na i-cancel din ang mga visa ng mga dayuhang empleyado ng mga unlicensed POGOs at ipatupad ang agarang deportation proceedings sa kanila,” ani Estrada.

Ayon na rin sa ulat, inilahad ng PAGCOR na may tumatayang 255 and diumanoy illegal na nag ooperate na POGO sa ating bansa sa kasalukuyan.

Para kay Sen. Imee Marcos, napapanahon na para kumilos ang PAGCOR at hiniling niya na kung hindi agad ma ban ang mga unlicensed POGOs, dapat i-suspend ang operations ng mga ito.

Sinabi naman ni Sen. Joel Villanueva na napapanahon na para ipahinto ni Pangulong Marcos Jr. ang POGO dulot ng napakaraming problemang idinudulot nito sa ating bansa.