PNP Siniguro ng mga opisyales ng PNP at ininspeksiyon ang loob at paligid ng National Museum na pagdarausan ng opisyal na panunumpa ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Kuha ni Jon-Jon Reyes

PNP nagsagawa ng ocular inspection sa NM

June 22, 2022 Jonjon Reyes 491 views

PINANGUNAHAN ni PNP-OIC (Philippine National Police Officer-in-Charge) Lt. Gen. Vicente Danao Jr. ang ocular inspection kasama si Director for Operation Camp Crame P/Maj. Gen. Val De Leon, NCRPO (National Capital Region Police Office) Chief P/Maj. Gen. Felipe Natividad, at MPD (Manila Police District) Director P/Brig. Gen. Leo “Paco” Francisco ang loob at paligid ng National Museum (NM) sa P. Burgos St., Ermita, Maynila, nitong Miyerkules ng umaga.

Maging ang likod o harap at kalapit lugar ng pambansang museo ay inispeksiyon ni Lt. Gen. Danao Jr. at binigyan naman din ng kautusan sina P/Maj. Gen. Natividad at MPD Director P/Brig. Gen. Francisco na maging “mahigpit” sa buong paligid ng nasabing museo lalo na at nalalapit na ang araw ng inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hunyo 30, 2022.

Ang isinagawang inspeksiyon ay para sa “maayos at mapayapang inagurasyon” maging ang seguridad ni Marcos Jr.

AUTHOR PROFILE