Eric Yap

PNP dapat maging neutral – ACT CIS

May 1, 2022 People's Tonight 208 views

NANAWAGAN si ACT-CIS at Benguet Caretaker Eric Yap sa Philippine National Police (PNP) na maging “neutral” o walang kikilingang political groups ngayong halalan.

Sa isang radio interview sinabi ni Cong. Yap, “may mga balita at sumbong na rin ang nakakarating sa amin na tila may pinapaborang grupo ang ilang provincial commanders at chiefs of police sa mga lalawigan.”

“Pag pinagbigyan ang isang grupo na mag-rally sa isang lugar, dapat payagan din ng mga hepe natin yung kabilang partido din,” ani Yap.

Dagdag pa ng Chairman ng Committee on Appropriations ng Kongreso, “Malinaw ang utos sa itaas na maging apolitical sila. Kaya marapat lamang na wag sila pumanig kahit kanino…kahit incumbent pa yan”.

Paliwanag ni Yap, “May mga sumbong na kasi na tila ayaw payagan daw ng ilang incumbent governor o mayor na mag-rally ang kanilang kalaban sa balwarte nila.”

Pahabol ni Yap, dapat daw talagang hindi magpagamit ang PNP sa mga pulitiko dahil labag din ito sa kanilang mandato.

AUTHOR PROFILE