PNP chief na si Eleazar
NAPATUNAYAN sa pagtatalaga kay Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar bilang ika-26th na lider ng Philippine National Police (PNP) ang kasabihan na ‘kapag para sa iyo, sa iyo talaga’.
Matapos ang ilang beses na pagkakaantala ng inaabangang paghirang kay Eleazar bilang pinuno ng Pambansang Pulisya, ay natupad na rin ito nitong Mayo.
Tulad naman ng pagkakakilala natin kay Guillor na hindi umaatras sa laban, agad tinanggap ng heneral ang hamon ng pagiging chief PNP.
“To be appointed as the chief PNP is a rare opportunity, but comes with the challenges of good leadership and meeting the high expectations of the Filipino people. I accept these challenges,” pahayag ni Eleazar.
Si Eleazar ang ika-anim na PNP Chief sa ilalim ng Duterte administration.
“I express my sincerest gratitude to our Commander-in-Chief, President Rodrigo Roa Duterte, for choosing me to be among the instruments of his genuine intention of having a well-disciplined and professional police force that could always be banked on in enforcing the law and inserting and protecting the FiPNP chieflipino people,” dagdag pahayag ng heneral.
“At higit sa lahat ay nagpapasalamat ako sa Poong Maykapal sa pambihirang pagkakataon na ibinigay niya sa akin upang pagsilbihan ang aking kapwa Pilipino,” giit pa nito.
Bago ang paghirang sa kanya bilang hepe ng Pambansang Pulisya, si Eleazar ang deputy chief for administration at pinuno ng directorial staff, bukod pa sa pangunguna nito sa Joint Task Force COVID Shield at National Capital Region Police Office.
Marami naman sa mga opisyal ng gobyerno ang naniniwala na si Guillor ang ‘the best’ at ‘very qualified’ na manguna sa PNP.
“I welcome the appointment of PLt Gen Eleazar who is very qualified for this very important position in government. We thank the President for acting favorably on my recommendation for him to lead the PNP,” pahayag ni DILG Secretary Eduardo Año.
“He has shown his ability, integrity, and professionalism in the many positions he has occupied in the police organization especially as the first commander of Joint Task Force COVID-Shield and as Deputy Chief, PNP for Administration,” dagdag pa ng kalihim.
Maging si dating PNP Chief at ngayo’y Senador Panfilo Lacson ay naniniwala sa kakayahan ni Eleazar.
“Good pick. Aside from being the most senior, his long experience as a hardworking police officer makes him eminently qualified to lead the police organization especially during these challenging times,” pahayag ni Lacson.
Habang para kay Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto si Eleazar na ang susunod sa yapak ni Lacson.
“He is the best choice. He will be very good for the PNP, for the country…may kasamang hagupit ‘yun pag-upo nya. He will be very, if there’s another word better than strict,” diin ni Sotto.
Pinayuhan din nito si Eleazar “keep up your unblemish record.”
Dahil kilala rin si Guillor bilang ‘darling of the press’, isa tayo sa natuwa sa pagkakahirang sa kanya sa pinakamataas na posisyon sa PNP.
Ito ay dahil katulad ni dating PNP chief Oscar Albayalde, napili si Eleazar hindi dahil sa pag-iral ng padrino system kundi dahil batay sa merito.
Congrats and goodluck, Boss!