Guillermo Lorenzo T. Eleazar

PNP chief Eleazar kay MPD chief Francisco: Pamamaril sa delivery rider imbestigahan!

September 20, 2021 People's Tonight 414 views

INATASAN ni Chief PNP, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang pamunuan ng MPD na magsagawa ng masusing pagsisiyasat sa pagkamatay ng isang delivery rider sa Tondo, Maynila noong Huwebes, Sept. 6, ng gabi.

Unang naiulat na aksidenteng nabaril ng isang pulis ang biktima habang nilalaro ng una ang kanyang baril.

Ipinag-utos ni Gen. Eleazar kay Manila Police District Director, Police Brigadier Gen. Leo M. Francisco na imbestigahan ang nasabing insidente kasunod ng reklamong isinampa ng mga kaanak ng biktima na nakilalang si Jason Capistrano.

Namatay ang biktima matapos tamaan ng bala mula sa servive firearm ni Police Corporal Oliver Ferrer na naka assign sa MPD Station 1 sa Tondo.

“Ipinarating sa akin sa pamamagitan ng Facebook ang paghingi ng tulong at hustisya ng isang kamag-anak ng delivery rider na si Jason Capistrano na umano’y namatay sa kamay ng isang pulis na si Police Corporal Oliver Ferrer sa Tondo,” ani Gen. Eleazar.

Ayon naman sa MPD tungkol sa kasong ito sa unang pagsisiyasat nila, ang pulis at ang biktima ay magkaibigan at ito ay isang kaso ng iresponsableng pagmamay-ari ng baril ng pulis.

Batay din sa isang naunang ulat ng MPD, si Cpl. Ferrer at isang kasamahan ay nagtungo sa Barangay 183, Zone 16 upang bisitahin ang isang Chairman na si Joseph Lipasana sa Gagalangin. Habang naghihintay ang mga ito sa labas ng barangay hall, pinaglaruan umano ni Ferrer ang kanyang baril sa harap ng biktima na si Capistrano hanggang sa aksidenteng nakalabit nito ang kanyang service na baril kung kaya’t nabaril at tinamaan sa katawan ang biktima.

Agad namang isinugod sa Chinese General Hospital si Capistrano kung saan idineklara itong dead on arrival.

Ayon kay MPD Director Police Brig. Gen. Leo M.Francisco, “kaagad na naming-dinisarmahan si Ferrer matapos siyang kusang sumuko sa istasyon ng pulisya.at nahaharap ngayon sa kasong kriminal at administratibo.”

Nagbigay ng simpatiya si Gen. Eleazar sa pamilya ng biktima at tinitiyak niya sa lalong madaling panahon ay magawa ang lubusang pagiimbestiga sa nangyaring insidente
“Nauunawaan ko ang sakit at galit na nararamdaman ng pamilya ni Jason at personal akong humihingi ng paumanhin, at nakikiramay sa kanila. at sisiguraduhin nito na mananagot ang pulis na sangkot dito,” ani Eleazar.

Nina ALFRED DALIZON, FRANCIS NAGUIT, & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE