Kris Aquino

PNoy ihihimlay kasama nina Ninoy at Cory

June 25, 2021 Aster Amoyo 308 views

NAGULANTANG ang sambayanang Pilipino sa biglaan at maagang pagpanaw ni dating Pangulong Noynoy Aquino (Benigno Simeon Cojuangco Aquino III) popularly known as PNoy nung umaga ng Huwebes, June 24, 2021 sa edad na 61.

Alas-6:30 ng umaga when he was officially declared dead by the doctors ng Capitol Medical Center in Quezon City kung saan siya DOA (dead on arrival). He died peacefully on his sleep. Ang kanyang ikinamatay ay may kinalaman sa kanyang pagkakaroon ng kidney problem at pagiging diabetic. Bago siya binawian ng buhay ay dina-dialysis na siya thrice a week in preparation umano for his kidney transplant na hindi na naisakatuparan.

Magmula nang bumaba sa kanyang puwesto bilang Pangulo si PNoy nung 2016 ay namuhay na ito nang simple at pribado kaya it was just his family and close friends ang nakakaalam sa kanyang sakit at tunay na kundisyon.

PNoy never got married at all. Although mahal na mahal niya ang lahat ng kanyang mga pamangkin, extra close sa kanya ang panganay na anak ng kanyang bunsong kapatid na si Kris Aquino na si Joshua Aquino Salvador, anak ni Kris sa actor na si Phillip Salvador. Si PNoy ang kinagisnang father figure ni Joshua hanggang sa kanyang pagbibinata kaya super close ang mag-tiyuhin until the time of PNoy’s death. Katunayan, si Joshua ang most affected dahil ang pakiramdam niya ay nawalan siya ng `ama’ in PNoy at ito’y ramdam ng kanyang inang si Kris.

Si PNoy ay pang-apat na henerasyon ng mga pulitiko sa kanilang pamilya. Ang kanyang great-grandfather na si Servillano `Mianong’ Aquino ay nanilbihang delegado sa Malolos Congress. Ang kanyang paternal grandfather na si Benigno Aquino, Sr. ay naging Speaker of the House of Representatives of the Philippines habang ang kanyang maternal grandfather na si Jose Cojuangco ay naging kongresista rin. Of course, hindi maikakaila na si PNoy ay pangatlo sa limang anak at kaisa-isang anak na lalake ng kanyang bayaning amang si dating Sen. Benigno `Ninoy’ Aquino, Jr. at ni dating Pangulong Corazon `Cory’ Cojuangco-Aquino, ang legacy na kanyang ipinagpatuloy.

Bago siya naging Pangulo ng Republika ng Pilipinas, si PNoy ay tatlong terminong naging kongresista representing the 2nd disctict of Tarlac. Naging deputy speaker din siya mula November 8, 2004 hanggang February 21, 2006. Nang matapos ang kanyang tatlong terms or nine years sa Kongreso, siya’y naging senador ng tatlong taon (June 30, 2007 to June 30, 2010) at kasunod na rito ang kanyang pagiging Pangulo ng Pilipinas nung 2010 hanggang 2016.

During his entire term in politics ay nakilala si PNoy sa kanyang honesty at pagiging dedicated sa trabaho.

Never na nag-asawa ang dating Pangulo pero siya’y na-link sa ilang prominent women tulad ng veteran broadcast journalist and TV host na si Korina Sanchez (na misis na ngayon ng kanyang best friend na si dating senador and DILG Secretary Mar Roxas), ang isa ring kilalang broadcast journalist and news anchor na si Bernadette Sembrano (na misis na ngayon ni Kawit, Cavite Mayor Emilio `Orange’ Aguinaldo), ang celebrity fashion stylist na si Liz Uy (now married to businessman Raymond Racaza), ang dating TV host-politician na si Shalani Soledad (now married to Pasig Rep. Roman Romulo) at ang sexy actress-turned-politician na si Barbara Milano.

Dahil sa pandemya, bawal pa ang malakihang pagtitipon tulad ng wake kaya nag-desisyon at apat na kapatid ni PNoy na sina Balsy, Viel, Pinky at Kris na ipa-cremate na lamang ang mga labi ni dating Pangulong Noynoy at ihatid sa kanyang huling hantungan kasama ang kanilang namayapang mga magulang na sina dating Sen. Benigno `Ninoy’ Aquino, Jr. at si dating Pangulong Corazon `Cory’ Aquino sa Manila Memorial Park in Sucat, Paranaque sa araw na ito ng Sabado, June 26.

Mula sa amin dito sa People’s Journal, ang aming taos-pusong pakikiramay sa mga kapatid at mahal sa buhay na iniwanan ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Juliana patuloy na nagsisikap para sa ina

HINDI ikinakaila ng 35-year old actor-comedian at kauna-unahang grand prize winner ng “Miss Q&A” segment ng noontime show na “It’s Showtime” nung 2018 na si Juliana Parizcova Segovia (Tyronne James Ortega in real life) na mag-iiba ang takbo ng kanyang buhay matapos siyang tanghaling grand winner ng popular segment ng noontime program ng ABS-CBN.

Juliana Parizcova Segovia

Bukod sa TV network contract, P1M cash prize at P500,000 worth of beauty treatment package, naging sunud-sunod din ang kanyang proyekto.

Kung dati-rati’y nakikitira lamang sila ng kanyang ina sa kanyang tiyuhin at pamilya nito sa Pasay City, ngayon ay lumipat na sila ng kanyang mother sa isang apartment at nakabili na rin siya ng mga gamit.

Sa kauna-unahang face-to-face presscon ng Viva Films para sa pelikulang “Gluta” na pinagbibidahan ni Ella Cruz kasama sina Marco Gallo, Rose van Ginkel, Cristina Gonzales, Arlene Muhlah, Juliana at iba pa mula sa panulat at direksiyon ni Daryll Yap, inamin ni Juliana na ubos na umano ang P1-M at iba pa niyang kinita bago pa man nagsimula ang lockdown nung isang taon. Kaya natuto umano siyang magbenta ng ukay-ukay online para maitawid ang pang-araw-araw na pangangailangan nilang mag-ina.

Bukod sa P1-M grand prize, kumita rin siya ng additional P200,000 as her prize sa sampung araw niyang daily wins sa “Miss Q&A” before the grand finals pero ang perang ito ay nagamit niya sa kanyang gowns and accessories, transportation at iba pang pangangailangan habang ongoing ang “Miss Q&A” until the grand finals. Nagkaroon din siya ng ibang extra income nang magkaroon siya dati ng segment sa “It’s Showtime,” maging bahagi ng movie ni Vice Ganda na “Gandarrapido: The Revenger Squad” at ang sitcom na “Funny Ko, Pare Ko”.

Hindi ikinakaila ni Juliana na dumaan din umano siya sa depression dahil sa sunud-sunod na problema na dumating sa kanyang buhay. Una ang pandemya, pangalawa ang pagsasara ng ABS-CBN at ang pangatlo, ang pagkawala ng kanyang kontrata (dahil sa pagsasara ng ABS-CBN). Pero sa halip na magpatalo sa depression ay gumawa siya ng paraan para mabuhay sila ng kanyang ina at dito pumasok ang pagbebenta niya ng ukay-ukay online.

“It was not enough pero nakatulong kahit papa’no,” aniya.

Nung September 2020 ay sobra ang pasasalamat ni Juliana na sa kabila ng pandemya ay kinontrata siya ng Viva Artists Agency (VAA) na siyang nangangalaga ngayon ng kanyang career. Magmula nang siya’y maging bahagi ng VAA ay naging sunud-sunod ang kanyang projects na kanyang sinimulan sa pelikulang “Momshies! Ang Soul Mo’y Akin” under Star Cinema. Apat na magkakasunod na pelikula naman ang ipinagkatiwala sa kanya ng Viva, ang hit virtual movie na “Kaka” na streaming ngayon sa Vivamax, KTX.ph at iWant TFC. Showing naman on July 2 ang “Gluta.” May dalawa pa siyang tinapos na pelikula, ang “KIKIKI” mula rin kay Direk Darryl Yap at ang balik-tambalan nina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez, ang “Deception” na pinamahalaan ni Joel Lamangan mula sa script ni Easy Ferrer. Ito’y joint production ng Borracho Films ni Atty. Ferdie Topacio and Viva Films.

“Meron pa po akong apat na movies na sisimulan. Sana matuloy lahat,” asam pa ni Juliana.

Eversince ay pangarap na talaga ni Juliana na magkaroon ng sarili niyang tahanan dahil ito rin umano ang dream ng kanyang 60-year-old mom. Gusto rin niyang magkaroon ng sarili niyang sasakyan dahil kailangan umano niya ito sa kanyang trabaho. Pero ang lahat nang ito’y kailangan niyang pagtrabahuhan nang husto.

“Hindi ako nagpa-palya sa pasalamat sa Diyos dahil sa patuloy na blessings na ibinibigay Niya sa akin,” pahayag pa niya.

Subscribe, like, share and hit the icon button of “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and on Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE