Jonathan FORMER ABAKADA Party-list Representative Jonathan dela Cruz, national consultant of advocacy group United Filipino Consumers and Commuters (UFCC), during the Kapihanng Samahang Plaridel talked about government losses in an alleged monopoly in pneumonia vaccine procurement.

Pneumonia vax monopoly inupakan

January 20, 2022 People's Tonight 2903 views

Bilyones nawawala sa gobyerno—consumer group

NAWAWALAN ng bilyon-bilyong piso ang pamahalaan dahil sa mistulang monopolya ng isang pharmaceutical company sa pinakamalaking vaccine tender sa buong mundo, ang pneumococcal vaccine o PCV.

Ang PCV ang bakuna para sa child pneumonia, na isa sa mga nangungunang “killer disease” sa mga bata 5-taong gulang pababa.

Ayon sa UNICEF, isang bata kada 39 segundo ang namamatay sa sakit na pneumonia sa buong mundo.

Sa kanyang pagharap kahapon sa Kapihan ng SamahangPlaridel, ibinunyag ni United Filipino Consumers and Commuters (UFCC) national consultant at dating ABAKADA party list Congressman Jonathan Dela Cruz, na ang gobyerno ay tila napalulusutan ng sobra-sobra ng nag-iisang pharmaceutical company sa isyu ng nasabing bakuna.

Dahil dito, nagsampa ng kaso ang UFCC sa Philippine Competition Commission (PCC) upang hilingin ang imbestigasyon sa umanoý nagaganap na anti-competition.

Sinabi ni Dela Cruz na maaaring hindi batid ng pamahalaan nabilyun-bilyong piso ang nawawala sa pamahalaan sa pagbili ng nasabing PCV sa mataas na preso.

Ayon kay Dela Cruz, walang kalaban ang kumpanyang Pfizer sa pagbili ng PCV nangmagsimula silang magbenta sa halagang P816 kada single dose.

Subalit nang may lumutang na kumpetisyon, nagawa umano ng Pfizer na ibagsak ang presyo nito.

“Kung saan mayroong nagbabantang bagong kompetisyon, binaba nila ang presyo hanggang makaabot ng P345 per dose,” ani Dela Cruz.

Ayon pa kay Dela Cruz, bagamat mistulang dalawang kumpanyaang nasa merkado para sa PCV, ang katotohanan, aniya ay magkatulad na bakuna ang ibinebenta ng Pfizer at Zuellig at itoay ang PCV 13.

Lalo umano itong nakakabahala dahil mismong ang World Health Organization (WHO) ang nagpatunay na may tatlong bakuna na maaaring gamitin sa pneumonia – ang PCV 13 at PCV 10 — na magkakatulad umano ng bisa.

Simula 2014, ang gamit na bakuna ng Pilipinas para sa pneumonia ay ang mas mahal na PCV 13, sa kabila ng WHO study na ang PCV 10 ay hindi inferior o katulad lang ng bisa ng PCV 13.

Nitong 2020, nagkaroon ng panawagan upang buksan ang PCV tender sa ibang PCV manufacturers. Tumugon naman dito ang pamahalaan at binuksan ang PCV bidding sa ibang pharmaceutical corporations.

Gayunman, sinabi ni Dela Cruz na nakapagtatakang nang muling buksan ang PCV bidding, lalo pang binagsak ng Pfizer ang kanilang presyo na mula sa P5.5 bilyon ay nagawa nilangmaibaba sa P2.6 bilyon sa bagong bidding.

At habang may bagong kumpetisyon umanong pumapasok, nagagawa pang ibaba ng Pfizer ang kanilang presyo.

Bukod sa aniya’y monopolya, ibinunyag din ni Dela Cruz ang umanoý kuwestiyunableng galawan ng dalawang pharma companies patungkol pa rin sa PCV.

“’Yung mga ibang big pharma ay kunwaring magka-kompetisyon, ngunit sa totoo lang ay mag-sweetheart o magka-kuntsaba para lang sila ang manalo sa procurement process,”ani Dela Cruz.

Hinihiling ng UFCC sa PCC na magpalabas ng cease-and-desist order at pansamantalang suspendihin ang procurement ng PCV habang isinasagawa ang imbestigasyon.

AUTHOR PROFILE