Quiapo Pinangunahan ni Police Capt. Jervies Soriano, hepe ng Plaza Miranda PCP, ang pagbibigay ng regalo at pagkain sa mga dumadaan, maging ang mga vendors at at mga magsisimba sa Quiapo Church. Ang activity ang naging pamaskong handog ng mga kapulisan ng MPD kasama si MPDPC President at District Advisory Council Francis “Kiko” Naguit. Photo byJon-Jon Reyes

Plaza Miranda PCP MPD3 namigay ng regalo, pagkain sa Quiapo Church

December 26, 2021 Francis Naguit 1084 views

NAGSAGAWA ng gift-giving at feeding program ang Plaza Miranda PCP MPD Station.3 noong December 23, 2021.

Namigay ng regalo at nagpakain sa mga tao nagsisimba at mga nagtitinda sa harap ng simbahan ng Quiapo.

Pinangunahan ni Police Capt. Jervies Soriano, hepe ng Plaza Miranda PCP, ang pamimigay ng regalo at pagkain.

Katulong ni Soriano sa pamimigay at pagbabahagi ng Pamaskong handog ang kanyang mga tauhan at si MPDPC President at District Advisory Council Francis Naguit.

Halos 300 katao ang nabiyayaan ng pagkain at munting ragalo.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga nakatangap ng Pamaskong handog.

Ayon kay Capt. Soriano hindi lang pagbabantay ang kanilang tungkulin kundi pati ang pamimigay ng regalo at pagkain sa mga tao.

Sa kanilang maliit na kaparaanan sila ay nag seserbisyo para sa mga kumakalam na sikmura at nagpapasaya sa pamamagitan ng munting regalo. Nina FRANCIS NAGUIT & JONJON REYES

AUTHOR PROFILE