Plastic waste collection ng SM City

November 15, 2021 Marlon Purification 170 views

Marlon PurificationKAHANGA-HANGA itong bagong programa ng SM City sa Marilao, Bulacan na may kinalaman sa pangongolekta ng basurang plastic sa nasabing bayan.

Sa pamamagitan ng SM Cares and Plastic Credit Exchange (PCex), hinihikayat ang lahat ng mall shoppers, communities at mga individuals na magdala ng basurang plastic sa parking lot ng SM City Marilao. Maaaring magtapon ng basura rito sa ganap na alas-10:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Tinawag nila ang naturang proyekto na Plastic Waste Collection Program (PWC) na maaaring tumanggap ng mga basurang PET (polyethylene terephthalate) at HDPE (high-density polyethylene) bottles, plastic cups, lids, straw, plastic fork and spoon, sachet ng mga tsistsirya, shampoo, sabon, detergent bottles, plastic bags, e-commerece pounces at kahit mga maliliit na gulong.

Kailangan lamang na walang laman ang mga ito, tuyo at kahit papano ay malinis.

Bukod sa PWC, may inisyatibo rin ang SM management para sa kalinisan at kapaligiran hinggil naman sa Trash to Cash recycling market at taunang green film festival na magpo-promote sa environmental awareness sa lahat ng mag-aaral at mall-goers.

Noong taong 2022 ay naglunsad sila ng Electronic Waste Collection Program na may kinalaman naman sa pagkolekta sa mga basura at sirang gadget.

Tulong na rin ito ng SM management sa mga Bulakenyo upang mapagbuti ang pangongolekta ng basura sa naturang probinsiya.

“By rolling out Plastic Waste Collection Program in Bulacan, SM City Marilao hopes to promote sustainability and responsible solid waste management among consumers and communities,” ani SM City Marilao Mall Manager Engr. Emmanuel Gatmaitan.

“Apart from promoting sustainability in the province, SM’s Plastic Waste Collection Program also aims to reduce plastic waste in landfills and bodies of water through proper plastic segregation and disposal” ani pa ni Gatmaitan.

Para kay SM City Marilao Assistant Mall Manager Engr. Janette Aguilera, ang PWC ng SM ay pagpapakita rin ng suporta sa United Nations Sustainable Development Goals (SDGs) 12, 13 and 14 na may layuning i-promote ang: “sustainable consumption and production patterns, climate action, at promotion of conservation and sustainable use of marine resources.”

Nabatid na ang Pilipinas ang isa sa pangunahing contributors ng plastic waste sa buong mundo. Lumilitaw sa isang pag-aaral na aabot sa 2.7 million tonelada ng plastic waste ang nagagamit sa bansa kada taon at ang 20 porsiyento nito ay napupunta mismo sa mga baybaying dagat.

Karamihan din sa mga basurang plastic ang nagiging sanhi ng pagbara sa mga kanal at imburnal kaya patuloy ang problema ng baha tuwing tag-ulan.

Sa ganang akin, maganda ang programang ito na sana’y tularan ng iba pang malalaking kompanya.

Thank you, SM Marilao. Ang galing ng ideya n’yo!

CHRISTMAS FANTASY TOWN SA SM CITY BALIWAG

Samantala, simoy-Pasok na sa buong SM City Baliwag, Bulacan.

Ito’y matapos pailawan ang 30-feet na Christmas tree na nakalagak sa 10 by 13 meters na Mall Atrium na ipina-transformed nila ngayong Christmas Fantasy Town.

“We are on to our second year of celebrating yuletide in the midst of a pandemic, yet the spirit of Christmas never ceases to amaze us. This year is extra special as we are finally given the chance to celebrate it with kids at the mall. That alone gives us hope, that while things may still be different from normal, we are finally gearing towards brighter days, carefully, little by little,” ani SM City Baliwag Mall Manager Rodora Tolentino.

Sa ganda ng Christmas Fantasy Town ng SM Baliwag, tiyak na maraming mall goers ang mapapahanga at bibilib sa ‘instagramable’ na background ng Kapaskuhan.

“The attraction transports shoppers’ imagination into a magical children’s book with gigantic gazebos and fancy dining spaces installed with life-size bug figures surrounding the area,” ani Tolentino.

Pinaka-atraksiyon dito ang 30 feet taas at 15 piye ng Christmas tree na naka-outlined ‘majestic LED light installations.’ Higit na pinasigla ng daang bilang na makukulay at kumukutitap na ilaw na may kulay pula, berde at putting Christmas balls at iba pang ornaments na design.

“As Bulacan gradually shifts to a more relaxed alert level, SM City Baliwag hopes the Christmas fantasy town attraction would be a symbol of hope and a source of joy for mall-goers and their families this Holiday season, all while implementing standard health and safety protocols for the safety of shoppers,” sabi pa ni Tolentino.

Maaring makita ang kagandahan ng SM City Baliwag sa kanilang mga Facebook at Instagram pages.

Merry Christmas SM!