Arianne Larawan mula sa IG/Arianne Bautista

Plantitang pang-tito

December 10, 2024 People's Tonight 114 views

KUNG isasali nga raw ang aktres at content creator na si Arianne Bautista sa isang swimsuit beach competition, sure na maiuuwi nito ang korona.

‘Yan nga ang hirit ng kanyang followers sa Instagram page ni Arianne. Paano ba naman kasi, ayaw paawat ng bebot sa pagbabalandra ng kanyang ‘di nakakasawang kaseksihan.

Makikita nga sa isa sa kanyang mga IG post ang panibago na namang entry ng aktres para sa pagdi-display ng kanyang perpektong wangkata sa isa na namang swimsuit.

Para sa kanyang male fans, tila naging regalo ito ng social media star para sa kanila ngayong nalalapit na ang Pasko. Blessing para sa mga kelot ang muling masaksihan ang pagpe-flex ng toned body ni Arianne.

Kasing puti at linis ng suot niyang bikini ang kakinisan ng balat ng bebot, mala-pain ito sa mga barakong madaling bingwitin na bet na bet siyang kagatin sa kanilang pantasya.

Maging ang kanyang mga kapwa content creator ay napa-wow sa abs niyang oozing with hotness. Sey nga ng karamihan ay bagay na bagay kay Arianne ang ibinandera niyang katawan.

Dahil ayaw paawat ng content creator sa pagbabalandra ng kanyang alindog, hindi rin nagpatigil ang netizens sa kanyang comment section na magbigay reaksyon sa kanyang sexy photos.

AUTHOR PROFILE

Sexiest Pinay

SHOW ALL

Calendar