Default Thumbnail

Pitmaster pinasalamatan ng Liga ng mga Governors dahil sa bigay na mga ambulansya

April 25, 2021 People's Tonight 442 views

ABOT-ABOT ang pasasalamat ng samahan ng mga gobernador ng Pilipinas sa Pitmaster Foundation dahil sa mga ambulansya na ibinigay nito sa bawat probinsya.

“Kailangang-kailangan namin ng mga additional na ambulansya para magamit sa COVID patients transport. Isang text lang namin sa Pitmaster, nandyan na kaagad ang mga ambulansya nila. The provinces really appreciate their help. Pitmaster truly cares,” ayon kay Gov. Presbitero Velasco, Pangulo ng League of Provinces of the Philippines (LPP),

Nabatid na 81 o bawat lalawigan ang binigyan ng ambulansya ng Pitmaster Foundation.

Walo na ang na-ideliver sa mga lalawigan pero natigil lamang ang paghahatid sa mga nasabing medical transportation dahil sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

“We just want to help the government sa kanilang COVID response by bringing patients to hospitals or isolation facilities. The foundation’s mission is to save lives by partnering with the local government units,” ayon kay Pitmaster Foundation chairman Charlie “Atong” Ang,

AUTHOR PROFILE