Pitmaster Mula sa kaliwa-Si DOH NCR Dir. Dr Gloria Balboa, DILG USec.Epimaco Densing III (Chairman, Taskgroup of communities Response, IATF), Atty. Caroline Cruz, Exe.Director ng Pitmaster Foundation, MMDA Deputy Chairman Frisco San Juan at MMDA GM Atty Don Artes.

Pitmaster nagbigay ₱100M sa LGUs: Pambili ng COVID testing

January 20, 2022 People's Tonight 300 views
Pitmaster1
Mula sa kaliwa, sina MMDA Vice Chair Frisco San Juan; DILG USEC Epimaco Densing III at Pitmaster Foundation Dir. Atty. Caroline Cruz.

DAHIL sa patuloy na pagsirit ng hawaan ng COVID-19 sa bansa partikular sa Metro Manila, nag-donate ang Pitmaster Foundation ng ₱100 million sa local government units (LGUs) para labanan ang virus at pambili ng Covid testing.

Personal na inabot ni Pitmaster Executive Director Caroline Cruz ang ₱50 million cash at ₱50 million halaga ng mga Covid testing kits sa Metro Manila Development Authority (MMDA) na sinaksihan din ng Department of Interior and Local Government, at ng Department of Health sa Ynares Sports Arena sa Rizal.

Ayon kay Atty. Cruz, “ito po ang aming ambag sa pamahalaan para magkaroon ng Covid mass testing sa bawat lungsod dito sa NCR para kaagad ma-isolate ang mga may sakit para hindi na po makahawa ng kapamilya o katrabaho”.

“Ayon po kasi sa mga eksperto, ang hindi maagap na detection ng may covid ang dahilan kaya mabilis po ang pagkalat ng Covid sa NCR ngayon,” ani Cruz.

Dagdag pa ng abogada, “gusto po ng aming Chairman na si Charlie “Atong” Ang na kung maari lahat ng tao sa NCR ay ma-testing lalo na po yung may symptoms”.

Nangako naman ang MMDA na ibabahagi agad ang mga cash at covid rapid testing kits sa 17 LGUs sa Metro Manila.

Kaugnay nito, muling pinaalala din ni Atty. Cruz na bukas pa rin ang Pitmaster Foundation sa mga nangangailangan ng dialysis at chemotheraphy pero walang pera.

“Pumunta lang po kayo sa aming website at magparehistro…kami na po ang bahala sa gastos,” pahabol ni Cruz.

AUTHOR PROFILE