PNP Nagdiwang ng ika 31st anibersaryo ang 1st Batch 1-91 TAGALIGTAS “Special All Breed of Men” ng Special Action Force (PNP-SAF) sa pamumuno ng kanilang Presidente na si Jun Daquial at SAF Pres. Ladies VC Daquial. Kuha ni JON-JON REYES

Pioneer ng PNP SAF Batch ‘91 nagdiwang ng ika-31 anibersaryo

May 22, 2022 Jonjon Reyes 403 views

IDINAOS ng mga miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) Batch 1991 sa pangunguna ng pangulo nilang si Jun Daquial ang kanilang ika-31 anibersaryo sa Bgy. Cacarong,Matanda, Pandi, Bulacan, nitong Sabado (Mayo 21).

Suot ang shirts na may tatak na “I SURVIVED”, pinatunayan nb Tagaligtas Batch 1991 na nalagpasan nila ang mga matitinding pagsubok sa serbisyo bilang pioneer sa itinatag na SAF Class.

Kasama din sa pagdiriwang ang mga maybahay ng Special Action Force members na pinangunahan naman ni SAF Ladies President VC Daquial.

Nagpahatid ng pagbati ang grupo kay Presumptive President Bongbong “BBM” Marcos na kanilang sinuportahan sa nakalipas na halalan. Ni JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE