Piolo

Piolo, sulit na endorser — Rei

September 22, 2022 Ian F. Fariñas 100 views

Piolo, sulit na endorser — Rei si Piolo Pascual na na-disappoint siya sa pagkakaudlot ng inaabangang ABS-CBN Ball 2022.

Sa renewal of contract ng aktor bilang Beautederm A-list endorser ng set ng oral care essentials nito na Koreisu Family Toothpaste at Koreisu Whitening Toothpaste kahapon, sinabi niya na ikinalungkot niya ang hindi pagkakatuloy ng bonggang event na talaga namang inaabangan ng fans at mga taga-showbiz.

Ito rin sana kasi ang pagbabalik ng naturang okasyon na bahagyang natigil dahil sa Covid-19 pandemic at pagkaka-deny ng prangkisa ng Kapamilya network.

Kwento ni Papa P, marami na sa kanila ang naghanda na ng mga damit na isusuot sa ABS-CBN Ball pero naiintindihan naman nila na mahirap ang sitwasyon ngayon.

Wala mang ibinigay na dahilan ang management ng ABS-CBN sa pagkaka-postpone ng event, sinigurado ni Piolo na suportado niya ang kumpanya anuman ang mangyari.

“They need our support more than ever, so ‘andito lang po ako,” diin ng aktor.

Sa nasabi ring contract signing ay natanong si Piolo tungkol sa international success ng unico hijo na si Inigo na may Hollywood project nang Monarch.

Siyempre, proud na proud si Piolo sa mga naa-achieve ng anak.

Pagdating sa lovelife ni Inigo, cool dad ang peg ng aktor dahil ipinauubaya niya rito ang desisyon kung maisip man nitong mag-asawa’t magkaroon na ng pamilya.

Sa tanong kung paano kaya siya sakaling magkaroon na ng apo, sinabi ni Piolo na malamang, “very affectionate” siyang lolo.

Dagdag pa niya, “’Pag nangyari ‘yon baka ampunin ko pa ‘yon (anak ni Inigo), trabaho ka na lang, ako na bahala, hahaha!”

Anyway, ikatlong taon na ni Piolo bilang Beautederm A-list endorser. At ayon sa president/CEO nitong si Rhea Anicoche-Tan, si Piolo ang klase ng celebrity endorser na sulit na sulit.

Masipag daw kasing mag-promote si Piolo ng Beautederm products sa kanyang social media accounts at talagang nauubos nito ang monthly supply na shini-share niya sa dati nang Beautederm user na kapatid.

Dugtong ni Miss Rei, “Who doesn’t love Piolo? No one could every argue that he is the ultimate hunk and one of the industry’s top leading men. Pero sa likod ng kinang ng kanyang showbiz persona ay isang hardworking na tao na gumagawa ng positive difference sa mundo gamit ang kanyang professionalism, humility at kabutihan ng kanyang puso. Plus it really doesn’t hurt that he has a dazzling megawatt smile right? It is truly our pleasure to have Piolo with us in our Beautéderm family.”

Ayon naman kay Piolo, “Koreisu Family Toothpaste and Koreisu Whitening Toothpaste are daily essentials of mine in maintaining excellent oral health. Ang mga ito ay all-natural products na ‘di lamang hygienic sapagkat nagbibigay ito ng extra layer of protection laban sa mga germs at viruses. Grateful ako sa aking Beautéderm family at kay Miss Rei para sa tiwala nila na i-represent ko ang amazing products na mga ito that I absolutely love.”

AUTHOR PROFILE