Piolo

Piolo, muntik tumumba sa set ng ‘Mallari’

December 8, 2023 People's Tonight 206 views

Kinailangan palang itigil ang shooting ng isang importanteng eksena sa Mallari, isa sa sampung Metro Manila Film Festival entries na pinagbibidahan ni Piolo Pascual sa ilalim ng direksyon ni Derick Cabrido.

Inatake kasi ng vertigo si Piolo sa set na halos ikatumba niya.

Dalawampu’t dalawang araw kinunan ang lahat ng mga eksena. Principal photography pa lamang ito pwera ang post prod.

“Sa hirap ng material hindi mo pwedeng bugbugin ang mga artista,” ani Direk Derick. “There was this one day when we were shooting the fight scene, huminto siya, ‘Guys, guys tutumba ako.

“We were taking the scenes where he has to fight himself. He was doing it repeatedly. Delikado kapag hindi ko itinigil ang shoot,” kwento pa ng direktor ni Piolo.

ZAIJIAN AT JILLIAN, MAGTATAMBAL SA PELIKULA

Nag-workshop na ang dating child stars na sina Zaijian Jaranilla at Jillian Ward na magsasama for the first time sa isang pelikula.

Early next year pa sisimulan ang unang pagtatambal ng dalawa at sa ibang bansa kukunan ang pelikula.

Pero ngayon pa lang, excited at looking forward na si Jillian sa proyekto nila.

Bale Santino meets Trudis Liit ang mangyayari. ‘Yun ang characters na ginampanan nina Zaijian at Jillian sa mga dating teleserye nila.

Tumatak ang mga character na ‘yun sa mga manonood.

Si Santino ang well-loved character sa May Bukas Pa habang si Jillian naman ang nagbida sa Trudis Liit, ang character na unang binigyang buhay ni Vilma Santos sa pelikula ilang dekada na ang nakakaraan.

Si Sigrid Andrea Bernardo ang magdidirek sa movie na ang cast at crew ay lalabas ng ‘Pinas para tapusin ang mga eksena. Leah Salterio

AUTHOR PROFILE