Piolo

Piolo, durog sa pagkasira ng pinagkagastuhang mga halaman

March 4, 2022 Ian F. Fariñas 557 views

Certified “plantito” na talaga si Piolo Pascual. Nahilig sa halaman ang aktor nang magsimula ang pandemic at naglalagi sa kanyang farm sa Batangas.

Kwento ni Papa P. sa kanyang panayam sa Monster RX 93.1, talagang sineryoso niya ang paghahalaman at kung saan-saan siya nakakarating para lang mamili ng mga maitatanim.

Ito raw talaga ang pinagkaabalahan niya ngayong pandemic at hindi nga birong halaga na ang kanyang nagagastos.

“I spent quite a fortune losing some of my plants,” sambit niya.

Nawasak daw ang kanyang mga halaman at pananim na gulay nang ma-hit ng malakas na bagyo last year. Malapit nga kasi sa dagat ang kanyang bahay.

“I was really in shock for 30 minutes. It’s like all the hard work, all the travels from different places – Bulacan, Laguna, Batangas, everywhere just so I could get a lot of plants and it’s just wiped out in 20 minutes. I was hurt, I was deeply broken,” kwento ni Papa P.

Inisip na lang daw niya na parang ito ang kanyang tuition fee sa paghahalaman.

“And then, after that, I started becoming more patient, more disciplined into choosing which plants would thrive in that place, what plant would thrive in certain type of water, and yeah, through time, I was able to understand better,” aniya.

Ngayon ay may mga kaalaman na siya kahit paano sa paghahalaman at dito raw siya naka-focus aside, of course, from his showbiz career.

“Even in my room, I have plants. So I have plants all around me. They’re the ones that keep me busy when I’m at home,” sey niya.

Pagbabahagi pa niya, bumili siya ng industrial L-300 last Christmas bilang regalo niya sa sarili para raw mailipat-lipat niya ang kanyang mga halaman.

“I enjoy it. I enjoy the sustainable kind of living, you know. I enjoy eating my own produce, you know. You plant it and then, after a couple of weeks, you eat it like with the sili, talong, kamatis, everything, you know. It’s all in your backyard. So, it’s quite exciting, you know,” lahad pa ni Piolo.

UPDATED SA KAMPANYA

Updated at mukhang masusi talagang sinusubaybayan ng aktor na si Edu Manzano ang mga kaganapan sa kampanya ng mga kandidato ngayong eleksyon.

Matapos magkomento si Edu sa Twitter kamakailan tungkol sa presidential debate ng CNN, ngayon naman ay pumabor siya sa pahayag ni Presidential aspirant Ping Lacson tungkol sa pagtutol nito sa pagbibigay ng “kodego” o advance questions sa mga sasali sa debate.

Isang mariing “Tama!,” with exclamation point ang komento ni Edu tungkol sa isang nag-post ng “quote card” sa posisyon ni Ping kontra sa kodego debate.

Nakasaad sa qoute ni Ping na “ayaw ko! Isang malutong at may bagsak na ayaw ko! Para kang nagbigay ng leakage. Parang lokohan lang. Dapat nag-aral sila at walang advanced questions.”

Tama naman kasi na kaya mayroong debate ay para malaman ng mga tao ang kahandaan ng mga kumakandidato sa pagharap sa mga isyu at ano ang mga plano nila sakaling manalo.

Kung hindi nila alam ang sagot o wala silang maisagot, ibig sabihin ay hindi sila handa o wala talaga silang nakahandang plataporma, kundi puro porma lamang.

Hindi naman nakapagtataka kung bakit mahilig din sa politics si Edu.

As we all know ay dati na siyang local politician at naging senatorial at vice presidential candidate rin noon.

AUTHOR PROFILE