Pintor tiklo matapos manapak ng lolo sa Sta. Ana
DAHIL sa patuloy na pinaiiral ng ” One Time Big Time” at oplan galugad ng Manila Police District, isang pintor ang swak sa bitag ng Sta Ana Police Station , dahil sa bigong pagpatay sa isang 66 anyos na lolo, iniulat ng pulisya.
Nakilala ang suspek na si Narciso Plantilla Jr Y Villar , 52 anyos alyas ” Oxo” may ka- live in ,painter at residente ng 1815 Road 14 Fabie Estate, Barangay 788 , Sta.Ama.Paco , Manila
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Orlando Mirando Jr , Commander ng MPD- Sta.Ana Police Station 6 , bandang 11:30 ng gabi nang mamataan ang akusado sa Road 6 Fabie Estate sakop ng Barangay 788 Sta.Ana.
Nag ugat sa pagkakatimbog ni Plantilla, makaraan umanong suntukin nito ang biktimang si Roberto King , 66 anyos , binata , jobless ng Barangay 812 , Paco, Manila.
Batay sa report ng pulisya, bandang 5:30 ng hapon nitong linggo , nang maganap ang insidente sa nasabing lugar sa Fabie Estate sa Sta.Ana.
Sa kuha ng CCTV , nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang suspek at ang biktima; hanggang sa suntukin sa panga si lolo Roberto at humampas ang ulo nito sa semento at nawalan ng malay.
Mabilis namang isinugod sa Ospital ng Maynila ang biktima at saka dumulog ang kapatid na matanda na si Susan Javier, 69 anyos sa tanggapan ni Mirando.
Dito na nagsagawa ng “Oplan Galugad” ang pulisya at nabitag si alyas “Oxo.”
Dahil dito , nahaharap sa kasong Frustrated Homicide ang suspek na idinukumento ni Police Staff Sargent Keith Aris Manuzon, may hawak ng kaso.