Pinoy US CBP, immigration exec Ruben Catuira pinarangalan ng retirement plaque
TINANGGAP kamakailan ni Ruben Catuira, isang US Customs and Border Protection (CBP) officer ang retirement plaque mula sa Department of Homeland Security/Custom and Border Protection (CBP).
Si Catuira ay isinilang sa Bontoc, Mountain Province.
Ang kanyang ina ay taga-Hagonoy, Bulacan at ang kanyang ama ay taga-Tanay, Rizal.
Si Catuira ay nagsilbing CBP Officer/Immigration and Naturalization Service inspector mula noong 2003- 2024.
Habang nakatalaga sa CBP, na-assign si Catuira sa Drug Enforcement, Anti- Terrorist, Deportation, Detention, at Secondary Enforcement Unit.
Nag-aral si Catuira ng kursong ng Engineering sa Adamson University sa Manila at nagtapos siya ng kursong Design Engineering sa Amerika.
Ang huling assignment ni Catuira ay ang pag-process at pagtanggap ng mga asylee, refugee, at mga bagong permanent resident sa Los Angeles International Airport.