Pinoy Olympians binigyan ng tig-P2M ni PBBM
Binigyan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng tig P2 milyon ang 22 Filipino na atleta na sumabak sa 2024 Paris Olympics.
Sa Hero’s welcome sa Palasyo ng Malakanyang, inanunsyo ni Pangulong Marcos na galing ang P1 milyon sa Pagcor habang galing naman sa Office of the President ang P1 milyon.
Binigyan naman ni Pangulong Marcos ng tig P500,000 ang bawat coaching staff ng mga atleta.
Ayon kay Pangulong Marcos, kukunsultahin niya ang mga atleta, coaches, at trainors kung ano ang kulang at kung saan sila nahirapan habang sinasanay ang mga atleta.
Target kasi ni Pangulong Marcos na makahakot pa ng mas maraming medalya ang Pilipinas sa susunod na Olympic.
Mainit na tinanggap nina Pangulong Marcos, First Lady Liza Marcos, Simon at Vincent ang mga Filipino Olympians.
Kasama sa mga dumating sa Palasyo ang two-time gold medalist na si carlos yulo, bronze medalists na sina Nesthy Petecio at Aira Villegas.