Pinoy celebs na may paga-ari sa Amerika
ASIDE from Filipino celebrities na sa America na naka-base, maraming Pinoy celebs sa Pilipinas ang nag-invest at nagma-may-ari ng properties sa bayan ni Uncle Sam. Nangunguna sa mga ito ay ang world boxing hero-turned senator na si Manny Pacquiao. Sa pagkakaalam namin ay nakabili rin ng property sa Amerika ang megastar na si Sharon Cuneta gayundin ang Star for All Seasons-turned politician na si Vilma Santos at ang Comedy Queen na si Ai-Ai de las Alas na bumili rin ng bahay sa Los Angeles, California for her children pero balitang naibenta na nila ito.
Ang iba pang Pinoy celebrities na may investment sa Amerika ay ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos-Agoncillo na nakabili ng bahay sa Las Vegas, Nevada kung saan din may bahay ang veteran actor-politician na si Sen. Lito Lapid. May property rin sa Las Vegas at sa Los Angeles, California ang actor-producer na si Piolo Pascual. May bahay din sa Las Vegas, Nevada ang mag-asawang Sen. Tito Sotto at Helen Gamboa gayundin ang big boss ng OctoArts Films an si Boss Orly Ilacad. Nakabili rin ng two-storey house ang actress-entrepreneur na si Kris Bernal sa West Covina, California habang may bahay din sa San Francisco, California ang singer-actress-comedienne na si Rufa Mae Quinto. Sa Las Vegas din nakabili ng bahay ang young actor na si Nash Aguas.
There are other Pinoy celebrities na may investment sa Amerika pero ayaw nila ito ipaalam publicly for personal reasons.
Yassi susunod sa yapak nina Jeanne at Kris
ANG Viva Entertainment in cooperation with TV5 and Cignal TV ang nakakuha ng local franchise ng pinakabagong game show sa United Kingdom, ang “Rolling In It” hosted by Stephen Mulhern at nung August 9, 2020 lamang nagsimula sa U.K.
Napisil ng Viva ang kanilang contract star, ang Fil-British actress-model-dancer na si Yassi Pressman para mag-host sa local franchise ng “Rolling In It” game program na nakatakdang magsimula sa susunod na Sabado, June 5 at 7 p.m.
In the 70’s, Fil-Am singer-actress-host Jeanne Young hosted the long-running game program on TV, ang “Spin-A-Win” directed by the late Mitos Villarreal and the next female TV host na nag-klik sa game shows was Kris Aquino who hosted two different game programs, ang “Game Ka Na Ba” and “Kapamilya, Deal or No Deal” na kanyang sinimulan in 2001 until 2009. Kris was later replaced by Edu Manzano in “Game Ka Na Ba” habang ang anak nitong si Luis Manzano ang pumalit kay Kris sa “Kapamilya, Deal or No Deal” . Dito rin nagsimula ang hosting job ni Luis until he became the most in-demand TV host ng mga game show ng ABS-CBN including “Minute To Win It” at “Family Feud”. Labas pa rito ang ibang hosting jobs para sa iba’t ibang reality talent competitions tulad ng “Pilipinas Got Talent,” “The Voice Kids,” “The Voice Philippines,” “I Can See Your Voice” ang “Your Face Sounds Familiar” among others.
From Jeanne to Kris, honored si Yassi na siya ang napili ng Viva na mag-host sa Philippine version ng “Rollin In It” TV game show na ang mga participant ay bubuuin ng mga ordinary contestant kasama ang mga celebrity at may pagkakataong manalo at makapag-uwi ng P2-M pesos cash prize.
Bukod sa TV5, ang “Rolling In It” ay mapapanood din sa Sari-Sari every Sunday at 8 p.m. simula sa June 6. Available din ito on Cignal TV Channel 3 and SatLite Channel 30. Puwede rin itong mapanood sa Live On-Demand via Cignal Play App.
Samantala, hindi ikinakaila ni Yassi na malaki ang naitulong sa kanyang career at narating niya bilang actress ang kanyang long exposure sa “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagdahan ni Coco Martin.
Nagpasalamat din siya sa ibinigay na major exit sa programa, ang kanyang death scene. Kahit wala na siya sa top-rating ang longest-running action-drama series ay parati pa ring nagre-resurface ang kanyang character in flashback scenes.
Inamin ni Yassi na ang mga lock-in tapings ang dahilan kung bakit siya um-exit sa “Ang Probinsyano” dahil hindi na siya makagawa ng pelikula maging ang bagong opportunity na ibinigay sa kanya ng Viva, ang maging host ng isang game show.
AJ okey lang maging support ni Cindy
SA digital story conference ng “Nerisa” na pinagbibidahan ng dating beauty queen-turned sexy actress na si Cindy Miranda, inamin ng Viva sexy actress na si AJ Raval na wala pa umano siya sa showbiz ay boyfriend na niya ang ex-PBB housemate-turned actor na si Axel Torres na supportive umano sa kanyang pagpasok sa showbiz.
Kasama si AJ sa cast ng sexy-drama movie na “Nerisa” mula sa panulat ng award-winning writer na si Ricky Lee at direksiyon ni Lawrence Fajardo. Bukod kina Cindy at AJ, kasama rin sa movie sina Aljur Abrenica, Elizabeth Oropesa, Bembol Roco, Sheree Bautista, Gwen Garci, Guji Lorenzano at Sean de Guzman.
Samantala, okey lang kay AJ to play support kay Cindy kahit nagbida na siya sa pelikulang “Death of A Girlfriend” na pinagtambalan nila ni Diego Loyzaga at mula sa panulat at direksyon ni Yam Laranas at kamakailan lamang ipinalabas sa Vivamax app.
Subscribe, like, share and hit the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube and follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.