‘Pink’ Holdup

April 8, 2022 People's Tonight 271 views

DAHIL kinakapos na sa pondo, pati mga Chinese businessmen diumano ay kinikilan na rin ngayon ng kampo ni Leni Robredo.

Nabunyag ito umano matapos kumalat sa social media ang isang mensahe para sa lahat ng Leni suppoters na inaatasang magbenta ng tiket na aabot sa daang libong piso para lamang sa isang salu-salo sa isang restaurant sa Paranaque City.

Ang naturang hapunan ang itinuturing na pinakamahal na hapunan sa kasaysayan ng eleksiyon ng Pilipinas.

“To start a subtle fundraising campaign from the taipans, particularly those based in Binondo and other business hubs in the country,” anang kautusan diumano ng kampo ni Robredo.

Narito ang laman ng invitation card ng kampon ng dilawan.

“Dear Friend of Leni, We’re at the home stretch of all our efforts to ensure that we elect and install the best candidate for the Presidential Election of 2022- LENI ROBREDO. There will be an AMBAGAN PARA SA KINABUKASAN on April 18, Monday, at 6 p.m. at the East Ocean Palace Restaurant, Aseana Business Park, Parañaque,” sabi sa kanilang invitation card.

Ang ipinangako umano ng host sana magiging panauhing pandangal nila si Robredo. Magiging daan na rin aniya ang gabing ito para sa maayos ang kanilang plano sa nalalapit na eleksiyon.

“Your generosity and support will go a long way to ensure that honest elections will see our President lead us to a future we all desire for our children, apos, and countrymen. Tables of 10 patriots are P500,000 or one seat at P50,000. It would be nice if you can go with family or friends to join you at a table,” sabi pa sa imbitasyon.

Dahil dito, maraming Chinese businessmen na raw ang nagrereklamo dahil sa mala-extortion na paraan ng panghihingi umano ng kampo ni Robredo.

“Nag-donate na kami nung November. Medyo malaki din ‘yun. Parang nakakapanghinayang na kasi maglabas ng pera kasi mukhang wala na talagang habol kahit anong gawin. Isa pa, nasaan ‘yung pondo na pinadala ng CIA? Alam namin ‘yun,” sabi ng isang textile manufacturer sa Valenzuela City.

Sinabi naman diumano ng isang negosyante na paulit-ulit na rin silang pinapasyalan ng ilang organizer ni Robredo para manghingi ng pera. Ang pinakahuling bigay umano niya ay ang concert rally sa Notre Dame of Greater Manila sa Caloocan City.

“Parang may ipinatago kung manghingi. Malaki na naiambag ko kahit hindi pa nakakabawi ang negosyo ko,” he said.

Nabatid na lahat ng mga negosyanteng Chinese na diumanoy nahihingan ng pera nina Robredo ay pinangangakuang ng “magandang” negosyo para mabawi ang multi-million peso na gastos nila sakaling manalo ang tambalang Robredo-Pangilinan sa May 9.

AUTHOR PROFILE