Pingris PSL Commissioner Pingris

Pingris: PSL to keep a tight watch

February 19, 2022 Ed Andaya 673 views

NEWLY-appointed Pilipinas Super League commissioner Marc Pingris will “not let his guard down to ensure that the integrity of the game will be maintained at all times.”

In fact, he is willing to put his name and reputation on the line to make everything work.

“Bagong hamon itong pagiging PSL commissioner sa akin. Pero gaya naman nung naglalaro pa ako, syempre gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para hindi ako mapahiya sa mga taong nagtitiwala sa akin,” said Pingris during the fifth “Sports On Air” program via Zoom last Feb. 11.

“Dito sa PSL, malaki ang responsibilidad na kailangan kong gampanan. Unang-una yung matiyak na mas madaming kabatan ang mabigyan namin ng pagkakataon na makalaro,” Pingris told the six-man panel composed of veteran sports journalists and bloggers.

“Sa totoo lang, hindi ako nag dalawang isip na tanggapin itong responsibilidad bilang commissioner. Kasi pinagu-usapan namin mga kabataan. Talagang natuwa ako para sa kanila dahil nag-start din ako sa ibaba bilang isang batang palengke na nakapaglaro sa PBA. Sa PSL, tutulungsn natin magkaroon ng pagkakataon ang mga kabataan, lalo na mga taga Visayas at Mindanao na na makapaglaro,” explained Pingris.

“Gusto namin sa PSL, makapaglaro din sila ng basketball sa mga eskwelahan dito, sa PBA, pati sa Gilas.”

Pingris also acknowledged the biggest challenge facing him and the PSL.

“Yung integrity ng liga, pinaka- importante yun. Kaya ngayon pa lang ay kinakausap na namin nila PSL president Rocky Chan at vice-president Ray Alao ang mga team owners cosches at players.

Pati na mga referees. Gusto namin maayos yun liga. Wag gaya nangyari sa iba na medyo naba-baboy na,” said Pingris, who admitted consulting past and present commissioners about the job.

“Tutukuyin ko na, yun sinasabing mga players na nagbebenta ng laro, hindi pwede dito yan sa PSL. Kailangan may parusa or suspensyon agad. Kung kinakailangan P100,000 or P200,000. Ayaw ko ng maliit, gusto ko malaki agad. Pag ayaw pa tumigil, ipakukulong talaga namin.”

“May i-open ako dito sa inyo. Nung naglalaro ako sa PBA, may tumawag sa akin na talagang nag-offer sa akin P200,000 to P240,000 para one game, Ganun kalaki. Pero ayaw ko ganyan na ipapakain ko sa asawa ko at anak ko, galing dyan. Ayokong Ibibigay kong pera sa nanay ko galing sa masama. Masaya na ako sa sweldo ko.”

Pingris, who decided to retire as a player only last December, also said he will focus on officiating.

“Actually, kinausap na din namin mga referees. Kailangang bantayan din mga yan dahil minsan kapag hindi nakuha sa players, idadaan sa referees. Kaya suportahan din namin mga referees namin para hindi sila masilaw sa mga ganyan. Kahit paano, bigyan ko din sila ng regalo kapag maganda ang performance. Yun mga team owners at coaches na nang-bu-bully ng mga referees, hindi din pwede sa PSL. Sabi ko bigyan agad ng warning or itapon sa game.” with reports from Gab Ferreras

AUTHOR PROFILE