Letchon Ipinakita ni William Chua ang mga niluto at binebentang masarap na lechon sa kanilang tindahan sa Bulacan St., A. Bonifacio, La Loma, Quezon City.

Ping Ping lechon 6 dekada nang pinapasaya Pinoy handaan

December 14, 2024 Jonjon Reyes 205 views

ISA ang lechon, na maraming naniniwala na simbolo ng kaunlaran, sa mga pangunahing handa sa mga lunch at dinner table sa halos lahat ng okasyon lalo na ang Pasko.

Kaya naman hindi nawawala ang Ping Ping lechon na anim na dekada nang nasa negosyo ng pagbebenta ng swabe at malinamnam na lechon.

Pag aari ni William Maca Chua, mabilis na nauubos at marami na rin ang nagpapa-reserve ng lechon para ihanda sa noche buena at mismong araw ng Pasko.

Nariyan din ang restaurant ng lechon brand na matatagpuan sa Bulacan St. sa A. Bonifacio, Laloma, Quezon City,.

Ayon kay Maca, sumisimbolo ang lechon ng kaunlaran sa pamilya at pamumuhay.

Ngayong kapaskuhan umaabot sa mahigit 200 lechon sa isang araw ang inoorder sa kanila para sa Christmas party, binyagan, kasalan at iba pang okasyon.

Taong 1981 ng makilala ang Ping Ping Lechon na nagsimula lang sa isang sari-sari store at karinderya na may isang lamesa.

AUTHOR PROFILE