Lacson

Ping patok sa Pasig kahit walang tarpauline

March 9, 2022 People's Tonight 334 views

Hindi na kinailangan pang magladlad ng mga tarpaulin ang tambalang Lacson-Sotto sa pagdalaw nila sa lungsod ng Pasig dahil ramdam na ramdam nila ang suporta mula sa pamunuan at mga mamamayan nito. Bagama’t ibang partido ang kinaaniban, mainit na sinalubong ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang Lacson-Sotto tandem nang magbigay ng kortesiya ang mga ito sa tanggapan ng alkalde sa Pasig City Hall. Matapos ang courtesy call, ang tambalang Lacson-Sotto at kanilang mga tagasuporta ay naglayag sa Pasig River lulan ng Pasig Ferry, isang uri ng transportasyon na sinasabing tugon sa malubhang trapiko sa kalsada.

AUTHOR PROFILE