Ping may pasabog vs ‘Leni’

March 31, 2022 Lee Ann P. Ducusin 456 views

PATOK na naman sa social media ang panibagong pasabog ni independent presidential bet Ping Lacson nang sabihin niya na isa sa mga katunggali nila ang nagbabayad ng P500 kada ulo para lamang dumalo sa kanilang campaign rally.

Libo-libong netizens ang patuloy na humahanga sa pagiging magaling at matapang ni Lacson dahil lahat ng ibinubunyag nito sa publiko ay kumpirmado at totoo.

“Iba talaga si Senator Ping. Kapag siya ang nagsalita, siguradong totoo. Kaya lodi namin s’ya!” sabi ng isang netizen.

Kung matatandaan, si Ping ang unang nagbunyag na may mga miyembro ng teroristang NPA ang dumalo sa campaign rally ni Leni Robredo sa General Trias, Cavite.

Mismong si Pangulong Duterte ang nagkumpirma ng naturang impormasyon kasabay ng pagsasabing ang alyansang LeniNPA ay nagpaplano ring maghasik ng lagim sa darating na May 9 election.

Matapos namang abandonahin ni Reporma president Bebot Alvarez ang kandidatura ni Ping, kaagad sinabi ng running-mate ni vice-presidential bet Tito Sotto na hindi ang pagiging mababa niya sa survey ang dahilan kung bakit siya iniwan nito sa ere.

Aniya, humihingi ng P800 million ang chief of staff ni Alvarez kaya nang sabihan niyang wala silang perang iaabot sa grupo ng dating speaker ng Kamara ay bigla itong lumipat sa kampo ni Robredo.

Bigla tuloy pinagpiyestahan ang paglipat ni Alvarez kay Robredo dahil lumilitaw na kayang magbigay ng P800 million ni Leni, bagay na itinanggi ng dalawang kampo sa media.

“One of our supporters in Luzon, Southern Tagalog region was approached by an organizer…Sabi sa kanya, ‘Oh baka gusto ni Senator Lacson tsaka ni Senator Sotto na magkaroon ng maraming rally. Meron kaming mga tao na 500 pesos per person,” ani Lacson sa isang press conference sa Zamboanga City nitong nakalipas na Miyerkules.

“I was surprised actually. ‘Yun pa lang nag-attend ng rallies ng iba’t ibang pondo, sila-sila rin pala yun. Of course, ‘yung leader sabi n’ya. Hindi (sagot). Kasi sila Senate President tsaka Senator Ping mas gusto town hall (meeting) so hindi kami masyadong interisado sa rallies,” dagdag pa ng matapang na senador.

Dahil dito, dagsa ang komento ng netizens na walang ibang pinatutungkulan si Lacson kundi si Robredo mismo.

“Eh P800 million nga kaya niyang magbayad, tig-P500 pa kaya?” sabi ng isang netizen.

“Sa sobrang desperadong manalo, lahat talaga gagawin ni Robredo,” sabi naman ng isa pang netizen.

Isang teacher na netizen ang nagsabi naman na kahit mga batang menor de edad ay ginagamit na rin ni Robredo para lamang pumunta sa kanilang rally na kunwari’y isa lamang concert ng mga banda at artista.

“Magkano ang bayad sa mga banda at artista? Lahat na ginagawa nila,” sabi naman ng isang event organizer.

Nauna nang nabalita ang ‘hakot crowd for hire’ na ginagawa ng kampo ni Robredo bukod pa sa umuupa rin ito ng mga photo editor para dayain sa pamamagitan ng photoshop mapalabas lamang marami ang pumupunta sa rally nito.

AUTHOR PROFILE