John

‘Pinatay’ na si John para magdirek ng ‘It’s Showtime’

September 8, 2021 Aster Amoyo 875 views

PINATAY na ang character ni John Prats (Jerome) sa Tuesday episode ng top-rating action-drama series na”FPJ’s Ang Probinsyano.” Pero malalalaman sa mga succeeding episodes kung tuluyan na ngang pinatay ang character na bahagi ng Task Force Aguila na pinamumunuan ni Cardo Dalisay (Coco Martin).

Si John ay naging bahagi ng long-running TV series since 2016. Kinailangan na niyang magpaalam sa nasabing serye dahil siya ang naatasang maging official director ng long-running noontime show ng Kapamilya network, ang “It’s Showtime” na pinangungunahan nina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro at iba pa.

Since naka-lock-in taping ang FPJAP ngayon sa Vigan, Ilocos Sur na inaabot ng isang buwan, mahihirapan talaga si John na i-juggle ang kanyang time sa dalawang programa lalupa’t kadalasan ay naka-live ang “It’s Showtime”.

Mabigat man sa loob ni John na iwanan ang FPJAP at ang kanyang mga kasamahan sa serye laluna na si Coco, wala siyang choice kundi gawin ito.

Tulad ni Coco, nag-level-up na rin ang actor na si John bilang isang director na kanyang sinimulan sa pagdidirek ng music videos, live concerts at TV special. Ang “It’s Showtime” ay dating hawak ni Direk Bobet Vidanes na umalis para idirek ang katapat nitong programa sa TV5, ang “Lunch Out Loud” na nagsimula sa ere nung October 19, 2020.

JorossJoross1Marvin-Jolina pinalitan nina Joross at Roxanne

UNKNOWN to many, ang romantic-comedy TV series na “Hoy, Love You” was originally intended sa dating magka-loveteam na sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin. Pero at the last minute ay nag-back out ang actor kaya napilitan ang production na palitan ang lead cast at ito’y napunta sa dating magkasintahan at magka-loveteam na sina Roxanne Guinoo (35) at Joross Gamboa.

Nakakatuwa ang team-up nina Roxanne at Joross dahil kung kelan sila nagka-edad at nagkaroon na ng kani-kanyang pamilya ay saka naman sila muling pinagtambal ng Kapamilya network. Ang kanilang weekly TV series na “Hoy, Love You” was originally for iWant TFC aired last January 2021 at nung July sa Kapamilya Channel, TV5, A2Z at iba pang digital platforms.

Ang first season ng “Hoy, Love You” ay pumatok kaya magkakaroon ito ng Season 2 na mapanood ngayong September 11.

Sina Roxanne at Joross ay parehong naging bahagi ng Star Circle Quest in 2004. They started dating on that year at naging magka-loveteam pero nagkahiwalay sila in 2006. The following year, na-link si Roxanne sa actor na si Jake Cuenca pero nauwi rin ito sa hiwalayan. Nung January 23, 2011, Roxanne married her non-showbiz Fil-Chinese boyfriend na si Elton Yap at sila’y nabiyayaan ng tatlong anak. Ang kanilang panganay na anak na si Rain Eliana was born in 2010 before the couple got married.

Bago ang “Hoy, Love You,” si Roxanne ay huling napanood sa 2020 primetime TV series na “A Soldier’s Heart”.

Non-showbiz din ang napangasawa ni Joross, si Kathy Kimberly Saga at ang couple ay ikinasal nung November 29, 2014. The couple has two sons – sina John Cody at Jace Kyler.

Although nagkahiwalay sina Roxanne at Joross, hindi naman sila naging magkaaway kaya hindi naging mahirap sa kanila ang muling magkatrabaho at supportive naman sa kanilang balik-tambalan ang kanilang respective partners and children.

Sa Season 2 na “Hoy, Love You” ay papasok ang characters nina Ritz Azul at Lou Veloso. Bukod kina Roxanne at Joross, kasama pa rin sa series sina Dominic Ochoa, Carmi Martin, Keanna Reeves, Pee Herrera, Aljon Mendoza, Karina Bautista at iba pa.

RachelRachel1First baby is birthday gift for Rachel

2017 Filipino-British Miss Universe Philippines Rachel Peters (who made it to the Top 10 semi-finalists of Miss Universe 2017) is giving birth next month, ang buwan ng kanyang kapanganakan. She’s turning 30 on October 20.

Ang ipinagbubuntis ngayon ni Rachel ay first baby nila ng kanyang husband, ang gobernador ng Camarines Sur na si Migz Villafuerte. The couple got engaged nung November 10, 2019 and planned to get married in Indonesia last year pero ito’y na-postpone dahil sa global pandemic. They decided to have a civil ceremony na nangyari nung nakaraang July 16, 2021 sa Supreme Court.

It was last May 18, 2021 nang i-announce ng couple that they were expecting a baby girl.

Ang ipinagbubuntis ngayon ni Rachel ay hindi lamang unang blessing sa kanilang mag-asawa kundi advance birthday gift na rin sa kanya ng Diyos.

Si Rachel ay ipinanganak sa Bahrain to a British father and Filipina mother. Siya’y may nakababatang kapatid na si Daniel.

In 2014, siya’y sumali sa Miss World Philippines where she landed 4th Princess and in 2017 ay sumali siya sa Bb. Pilipinas (na siyang may tangan pa noon ng Miss Universe Philippines franchise) at siya ang nanalong Miss Universe Philippines that year at nung 2018, siya ang nagputong ng korona kay Catriona Gray as her successor sa Bb. Pilipinas-Universe and eventually won the 2018 Miss Universe crown.

LizLiz sunud-sunod ang projects

MAHIGIT dalawampung taon ding huminto sa kanyang showbiz career ang isa sa original leading ladies ng comedy king na si Dolphy sa pelikulang “Dolphy’s Angels” na si Liz Alindogan in 1980 para harapin ang kanyang domestic life. Ngayong malalaki na ang kanyang mga anak at professionals (except for one na nag-aaral pa sa U.P.), nag-desisyon ang veteran actress na balikan ang first love, ang acting.

Bukod kay Dolphy, naging paborito rin siyang leading lady noon ng action stars including Fernando Poe, Jr. sa classic movie nitong “Ang Panday”.

Kamakailan lamang ay lumagda ng management contract si Liz with Viva Artists Agency. Naging sunud-sunod kaagad ang kanyang projects.

Kasama si Liz sa romantic drama series na “Di Na Muli” kung saan tampok sina Julia Barretto, Marco Gumabao at Marco Gallo at kung saan din kasama sina Angelu de Leon, Bobby Andrews, Baron Geisler, Andre Yllana at iba pa mula sa direksiyon ni Andoy Ranay. Ito’y nakatakdang mapanood sa darating na September 18 at 8 p.m. sa TV5.

Kasama rin si Liz sa pelikulang “House Tour” kasama sina Cindy Miranda, Mark Anthony Fernandez, Jeffrey Hidalgo, Rafa Siguion-Reyna at iba pa.

Nasa shooting naman siya ngayon ng “Mahjong Night” na pinamamahalaan ni Lawrence Fajardo at Bryan Bryant kasama sina Jay Manalo, Arnell Ignacio at iba pa.

Sobrang thankful si Liz sa sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanya dahil hindi umano niya akalain na tatanggapin siyang muli sa kanyang pagbabalik-showbiz.

May dalawang anak na lalake si Liz sa kanyang ex-partner na si Jess Lapid, Jr., and she is married to businessman Benny Kho kung kanino siya may apat na anak at isa rito ay isa nang ganap na doctor.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTALKwithAsterAmoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE