PCG Source: Philippine Coast Guard

Pinas sa China: Kalma

May 29, 2024 Chona Yu 103 views

BANDAR SERI BEGAWAN, Brunei — Aminado si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pinapalala ng China ang tensyon sa South China Sea kaugnay sa bagong patakaran nito na hulihin ang sino mang trespassers sa nasabing bahagi ng karagatan.

Sa Kapihan with the media sa Brunei, sinabi ni Pangulong Marcos na labis na nakababahala ang pahayag ng China.

“There’s an extension again on their claim that this is all the maritime territory of China so it’s just, it’s nothing new. There are sometimes there are fishing bans because they are, because of the season and it’s something that has happened before. But the new policy of threatening to detain our own citizens, that is different. That is an escalation of the situation. It is very worrisome,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Ayon sa Pangulo, may ginagawang back channel na pag-uusap para pakalmahin ang tensyon.

“Yes of course, I’ve said it many times we should try anything. We don’t know what effort is going to be successful so any point of contact that i can establish, I will use it. At every level, at the leaders level, at the ministerial, sub-ministerial, private, as long as it gives,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Ayon sa Pangulo, kailangang mahinto ang pagiging agresibo ng China gaya ng water cannoning, lasers, barrier putting at ang pagharang sa mga Filipinong mangingisda.

AUTHOR PROFILE