
Pinas gagawin ang lahat para matanggal ang bakod na nilagay ng China sa Scarborough Shoal
GAGAWIN ng pamahalaan ang lahat para maalis ang floating barrier na inilatag ng China sa paligig ng Scarborough shoal o Bajo de Masinloc.
Ito ang tiniyak ni National Security Adviser Eduardo Año.
Ayon kay Año, lahat ay gagawin ng bansa upang maprotektahan ang kapakanan at karapatan ng ,mga mangingisdang Pinoy.
“We will take all appropriate actions to cause the removal of the barriers and to protect the rights of our fishermen in the area,” pahayag ni Año.
Sinabi ng opisyal na nilabag ng China ang traditional fishing rights ng mga mangingisdang Pinoy sa lugar base na rin sa 2016 Arbitral ruling dahil sa ginawa nilang paglalagay ng floating barrier.
Kinundina din ng opisyal ang hakbanng ng Chinese Coast Guard dahil tahasang nilalabag nitoa ng karapatan ng mga Pinoy fishermen.
“We condemn the installation of floating barriers by [Chinese Coast Guard] in [Bajo de Masinloc]. The placement by the Peoples Republic of China of a barrier violates the traditional fishing rights of our fishermen whose rights to have been affirmed by the 2016 Arbitral ruling,” paliwanag ni Ano.
“It ruled categorically that such action by the PRC violated the traditional fishing rights of our fishermen in the shoal who have been fishing there for centuries. Any State that prevents them from doing artisanal fishing there violates UNCLOS and international law, in general,” pahayag pa ng opisyal.
Una rito, sinabi ni , Philippine Coast Guard spokesperson for the WPS Commodore Jay Tarriela, na ang NTF-WPS at si Pres. Marcos ang magpapasya kung aalisin ang floating barrier na inilagay ng China.
“We gave the report already to the NTF-WPS wherein the Department of Justice, Department of Foreign Affairs, Department of National Defense are all part of this inter-agency task force and chaired by the National Security Adviser,” sabi ni Tarriela .
Kaugnay nito, nakipag-ugnayan na ang Philippine Coast Guard of PCG sa lahat ng ahensya ng gobyerno upang harapin ang hamon sa paglalagay ng China ng mga floating barrier sa Timog-Silangan ng Bajo de Masinloc.
Sinabi ni PCG spokesperson for West Philippine Sea commodore Tarriela na gagawin ng kanilang hanay ang lahat upang igiit ang karapatan ng bansa at maprotektahan ang ating teritoryo.
Una nang kinundina ng PCG at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR ang hakbang ng China na paglalatag ng may 300 metrong haba ng floating barrier sa pinag-aagawang teritoryo upang mapigilan an gmga mangingisdang Pinoyt na makapasok at makapangisda sa naturang lugar.
Tiniyak din ni PCG commandant Admiral Artemio M Abu na suportado nila ang BFAR at iba pang national government agencies sa isinusulong na hakbang upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga Pinoy na mangingisda sa WPS.