Pinakamaraming sikat na brand ambassadors

October 30, 2022 Aster Amoyo 636 views

Sam1Sam3Sam4

THERE’S no stopping Beautederm president and CEO Rei Anicoche- Tan from developing and manufacturing new health and premium wellness products (from Japan) na tiyak na maiibigan ng lahat dahil sa magandang epekto ng mga ito. Last Saturday, October 29, muli na namang nanggulat ang Beautederm’s lady boss nang formal na ipakilala sa media ang pinakabagong karagdagan sa mga kilalang brand ambassador ng kanilang health and premium wellness products under Reiko ang Kenzen, ang Kapamilya singer, actor, performer and entrepreneur na si Sam Milby.

Hindi rin kami magtataka kung isa sa mga araw na ito ay ang girlfriend naman ng Fil-Am singer, ang 2018 Miss Universe, ang Fil- Australian singer-host na si Catriona Gray ang ipakilala bilang bagong brand ambassador ng popular beauty, health and wellness brand.

Wala na sigurong tatalo ngayon sa rami ng mga popular brand ambassadors ng Beautederm na kinabibilangan ng mag-asawang Marian Rivera and Dingdong Dantes, Sylvia Sanchez (the original Face of Beautederm) at mga anak nitong sina Arjo at Ria Atayte, Pio Pascual, Bea Alonzo, Maja Salvador, Andrea Brillantes, Beauty Gonzales, ang mag-asawang Glydel Mercado and Tonton Gutierrez, Cristina `Kring-Kring’ Gonzales, Jestoni Alarcon, Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, social media influencers Jelai Andres and Zeinab Harake and a host of others.

Ang pagbebenta ng Beautederm products ay nagsimula lamang bilang passion at sideline ng dati’y namamasukan lamang sa ibang kumpanya bilang marketing director. Nagsimula siya sa halagang P3,500 na kanyang napalago sa loob ng 13 taon.

With over 200 plus brand resellers nationwide at maging sa ibang bansa including Singapore, Rei was able to build her own empire. Ngayon ay may 7-storey Beautederm House na siya sa Angeles, Pampanga equipped with its own beauty clinics, restaurant, events place, A-list brand products store, executive offices and more.

Wala pa kaming nakilalang businesswoman as passionate and as generous as Rei Anicoche-Tan hindi lamang sa lahat ng kanyang mga brand ambassadors, media friends kundi sa kanyang mga empleyado whom she treats as her own family. Marami sa kanila ay napatayuan na ng sariling bahay (with matching furnishings) ni Rei, nabigyan ng sasakyan at kung anu-ano pang incentives and perks at kasama na rito ang pagpapa-aral sa kanilang mga anak.

Dahil sa pagiging generous ni Rei, marami rin siyang charity institutions na tinutulungan at sinusuportahan kaya naman tuluy-tuloy din ang agos ng blessings na dumarating sa kanya.

May your tribe increase, Rei Anicoche-Tan.

JomariJomari1

Passion ni Jomari sa car racing naipasa sa anak na si Andre

RACE car driving is never new to actor-politician Jomari Ylanna who has been hooked into motor sports since he was a kid.

He was only in his teens when he started race car driving and competed not only locally but internationally and won not only for himself but for the country.

There one even an occasion na naging organizer siya ng isang race car event. In 2014, siya ang kauna-unahang Filipino race car driver to score podium finish at Yeongam International F-1 circuit in South Korea. Isa rin siya sa Top 3 winners sa Super Race Round 8 Championship, Accent One category that gathered top racers sa buong mundo. Ang sarili niyang racing team na Yllana GTR ay siya ring kauna-unahang Filipino racing team na nanalo sa nasabing event.

When he is competing abroad, hindi lamang sarili ang kanyang iniisip kundi ang Pilipinas dahil bitbit niya at ng kanyang team ang bandila ng bansa.

When he entered politics in 2016, pansamantalang isinantabi ng actor-politician ang pagiging car race driver.

Halal siyang konsehal ng unang distrito ng Paranaque and he is now serving his last term (another three years) at hindi pa umano niya alam kung saan siya dadalhin ng kapalaran.

But one thing is sure though, balak niyang pakasalan ang kanyang first love at nakabalikang girlfriend, ang dating Canada-based actress na si Abby Viduya (a.k.a. Priscilla Almeda ng Seiko Films) bago umano magtapos ang kanyang termino.

After his break-up with his first wife, ang actress-politician na si Aiko Melendez with whom he has a son, his mini-me na si Andre Yllana (24), the actor-politician got linked with other showbiz personalities including Ara Mina, Pops Fernandez and non-showbiz ex-partner na si Joy Reyes kung kanino siya may dalawang anak na lalake. Kaya may tatlo siyang anak na lalake at may tatlo ring anak si Abby sa previous partners nito.

Although may judicial proceedings pa between him and his ex-partner na may kinalaman sa kanilang dalawang anak, ayaw na muna ni Jomari magbigay ng ibang detalye until the case is over. But he is looking forward to bond regularly with his two younger sons.

In an intimate press conference kung saan parehong humarap sina Jomari at Abby na may kinalaman sa upcoming rally/race event na pamumunuan mismo ni Jomari under his own Yllana Racing, ang Paeng Nodalo Memorial Rally na nakatakdang ganapin sa Subic Bay Freeport sa darating na November 5 & 6, 2022, inamin ng actor, politician and race car driver (and at one point ay naging concert producer), kanyang ibinahagi na ang nasabing event and competition ay magsisilbing pagbibigay-pugay sa isa sa mga pillars ng motorsports sa bansa na si Paeng Nodalo na siyang nasa likod ng legendary Mabuhay Rally.

Aminado rin ang actor-politician na hindi umano ganoon kadali ang maging isang car race driver dahil ito umano ang pinaka-risky and most expensive sports pero kakaibang self-fulfillment naman umano ang hatid nito laluna kapag ikaw ay nananalo sa competition.

Unang nanalo si Jomari in 1996 as Rookie of the Year (1 st runner-up) sa Toyota Corolla Cup .

Naging runner up and champion driver din siya sa Philippine National Touring Car Championship for Toyota Team Toms (1997-2001). He was also runner-up sa Philippine Grand Touring Car Championship (2014-2015) sa Yllana Racing Team.

Dahil sa pagkahilig ni Jomari sa race car driving, sumunod din sa kanya ang kanyang panganay na si Andre. But he reminded him na ang racing is not just a hobby kundi kailangan niyang maging professional to make it work.

When Andre turned 18, he gave him his first racing car and another racing car when he graduated from college.

While he is making a comeback sa car racing, babalikan din ni Jom ang kanyang acting job dahil simula sa darating na December 2022 ay may gagawin siyang pelikula under Real Entertainment ng mag-business partners na sina Direk Erik Matti at Dondon Monteverde.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE