Martin3 Ang pinakamalaking Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kung saan dala ng iba’t ibang ahensya ang may P1.2 bilyong halaga ng cash assistance at programa na para sa may 150,000 benepisyaryo. Kuha ni VER S. NOVENO

Pinakamalaking BSPF ni PBBM ginanap sa S. Kudarat

February 25, 2024 Ryan Ponce Pacpaco 333 views

P1.2B cash aid, programa inihatid sa 150,000 benepisyaryo

GINANAP sa Sultan Kudarat ang pinakamalaking Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., isang pagpapakita ng dedikasyon nito na mailapit sa publiko ang serbisyo ng gobyerno.

Dala ng iba’t ibang ahensya sa BPSF ang may P1.2 bilyong halaga ng cash assistance at programa na para sa may 150,000 benepisyaryo.

Bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Marcos, si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang nanguna sa pagbubukas ng BPSF na sinimulan ngayong Linggo at magtatagal hanggang sa Lunes. Ginaganap ito sa Provincial Capitol Compound sa Isulan, Sultan Kudarat.

Dumalo rin sa event si Special Assistant to the President, Secretary Antonio Lagdameo, Jr.

“Ngayong araw po, inilulunsad po natin ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ng Pangulong Marcos dito sa lalawigan ng Sultan Kudarat sa Mindanao. Ito po ay hindi lamang katuparan ng pangako ng pagkakaisa, kundi isa pang dagdag-patunay na malapit ang Mindanao sa puso at isipan ng inyong mga pinuno,” ani Speaker Romualdez.

“Sa loob ng Bagong Pilipinas ng ating mahal na Pangulong Bongbong Marcos, wala pong maiiwan – lahat kasama sa pag-unlad,” sabi pa ni Romualdez, lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 miyembro.

Sina Sultan Kudarat Gov. Pax Ali Mangudadatu at Rep. Princess Rihan M. Sakaluran ang nag-host sa event na inorganisa ng BPSF National Secretariat.

“The Serbisyo Caravan in Sultan Kudarat is the second one this month alone. So nakikita natin na talagang pinapaigting ng administrasyon ni Pangulong Marcos Jr. ang paghahatid ng serbisyo diretso sa mamamayan. This is the President’s vision, and we are all here to implement it,” saad ni Speaker Romualdez na ang pinatutungkulan ay ang BPSF na ginanap sa Siquijor kamakailan.

“Why is it the largest? For starters, nearly 50 members of the House of Representatives, mostly from across various districts in Mindanao, attended to support the event. In a way, this is a show of solidarity between Mindanao lawmakers and the national government for a united Philippines,” dagdag pa nito.

Sa kanyang mensahe, nagpasalamat si Gov. Mangudadatu kay Pangulong Marcos at Speaker Romualdez sa paglapit ng mga ito ng serbisyo ng gobyerno sa kanyang mga kababayan.

Ipinahayag din ng gubernador ang kanyang pagtutol sa panukala na ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.

“Sabi natin hindi pwede mahiwalay ang Mindanao sa Pilipinas. We must stand as one united Philippines. As we have seen through many years, Luzon, Visayas and Mindanao have worked together,” sabi nito.

Dumalo rin sa event sina Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe, Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales, Jr. at 4Ps Partylist Rep. JC Abalos.

Naroon din sina Reps. Migz Nograles, Christian Unabia, Bambi Emano, Lordan Suan, Toto Suansing, Yasser Balindong, Divina Yu, John Flores, Khymer Olaso, Aldu Dujali, Joboy Aquino, Wilter Palma, Sam Santos, Peter Miguel, Ed Lumayag, Alan Ecleo, Mannix Dalipe, Maricar Zamora, Bingo Matugas, Steve Solon, Glona Labadlabad, Pinpin Uy, Victoria Yu, Nelson Dayanghirang, Munir Arbison, Antonieta Eudela, Loreto Acharon, Alfelito Bascug, Mohamad Paglas, at Jason Almonte.

Ang Sultan Kudarat leg ng BPSF ang ika12 Serbisyo Fair na inilungsad noong nakaraang taon. Lumalahok dito ang 55 ahensya ng gobyerno dala ang 329 programa, proyekto, at serbisyo.

Ito ang kauna-unahang BPSF sa Region 12 (SOCCSKSARGEN).

Nagkakahalaga ng P200 milyon ang cash assistance na dala ng iba’t ibang ahensya sa Sultan Kudarat. Kasama rito ang payout para sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng Department of Social Welfare and Development’s (DSWD) at Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa ilalim ng AICS ay 75,000 ang bibigyan ng tulong ng DSWD mula sa iba’t ibang munisipyo.

Pinangunahan din ni Speaker Romualdez ang pamimigay ng 30,000 sako ng tig- 10-kilong bigas o kabuuang 300,000 kilo sa mga piling benepisyaryo.

Kasama sa dalang serbisyo ng PPSF ay ang:

• TESDA scholarships

• Educational assistance

• LTO driver’s license renewal

• DFA passport application

• NBI clearance application

• Police clearance application

• PSA birth certificate application

• Pag-ibig membership and housing loan

• SSS membership application

• GSIS UMID application

• PhilHealth registration.

Magsasagawa rin ng Pagkakaisa Concert gabi ng Linggo na gaganapin sa Provincial Capitol Grounds. Inaasahang dadaluhan ng may 100,000 indibidwal ang libreng konserto.

AUTHOR PROFILE