Pinaka-aaSAM
NAINGGIT ang netizens dahil araw ang humahalik sa seksing wangkata ng model-actress na si Sam Pinto imbis na sila.
Looking fresh and glowing si Sam sa ilang larawang ibinahagi niya sa Instagram mula sa kanilang nagbing bakasyon sa Boracay.
Hindi lang araw ang titirik sa pagpapainit ng aktres sa social media, dahil maging ang mata ng mga barakong siya ang pantasya, mapapa-“ohhh yes!” sa kanya.
“Sunkissed at the… pool side,” sey niya sa caption ng kanyang post.
Makikita sa post ang ibinilad na toned body ni Sam sa arawan. Nakakasilaw ang kakinisan ng aktres na animo’y hindi nagsilang ng supling dahil walang bakas ng kahit na anong kamot o kadiliman.
Maganda ang hubog ng kanyang katawan sa suot na two-piece bikini. Ramdam ang summer sa kanyang hotness kahit na BER months na.
Malakas pa rin ang dating ni Sam sa mga kalalakihan. Hindi pa rin nawala ang kanilang pantasya sa aktres kahit na may sarili na itong pamilya.
Pinusuan ng netizens at inulan ng komento ang pagiging ‘hot mama’ ni Sam.